Veteran broadcaster na si Ted Failon positibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Kumpirmadong tinamaan ng kinatatakutan coronavirus disease (COVID-19) ang beteranong broadcast journalist na si Ted Failon, pagbabahagi ng kanyang kasama sa industriya, Martes.
Ang balita ay isiniwalat ng kanyang Radyo5 co-anchor na si DJ Chacha sa isang emosyonal na Tweet ngayong hapon. Gayunpaman, tiniyak niyang nasa mabuting kalagayan si Ted.
"Positibo sa COVID-19 si Sir Ted Failon. Asymptomatic po siya at maayos ang kalagayan," ani DJ Chacha kanina.
"We would truly appreciate your prayers for Sir Ted Failon & to all our colleagues battling Covid to safely come through it. Stay safe everyone!"
Positibo sa Covid 19 si Sir Ted Failon. Asymptomatic po siya at maayos ang kalagayan. We would truly appreciate your prayers for Sir Ted Failon & to all our colleagues battling Covid to safely come through it. Stay safe everyone! pic.twitter.com/UF6QuzEqFS
— DJ Chacha (@_djchacha) March 30, 2021
Ayon sa statement mismo ni Ted, Linggo ng gabi nang makatanggap siya ng mensahe sa Radyo5 na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanilang mga katrabaho. Ang masaklap, isa pala siya sa mga naging close contacts ng naturang pasyente.
"As soon as I heard the news, I immediately put myself in self-isolation and decided to have myself tested the morning of March 29th," sabi ni Failon.
"And during late night of March 29th, the results came back indicating that I tested positive for COVID-19."
Naka-home quarantine lang daw siya ngayon at nasabihan na ang lahat ng kanyang close contacts upang makagawa ng akmang aksyon.
Panalangin na lang daw ngayon ni Ted na hindi siya mag-develop ng anumang sintomas, at kung maaari, makapagtrabaho pa remotely mula sa kanyang bahay.
"This serves as a reminder to everyone that even in the midst of strictly following the health rpotocols, the probability of the virus infecting us is still high... [We should] be extra cautious and take all necessary precautions to ensure our safety and the safety of our families," kanyang pagtatapos.
Umabot na sa 731,894 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Lunes. Sa kasawiang palad, namatay na ang 13,186 sa kanila.
- Latest