^

PSN Showbiz

Kilalang male personality na walang tiwala sa sarili, gustong maging president!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kailangang manahimik na lang muna ngayon ang kilalang male persona-lity na nalalagay sa gitna ng kontrobersiya dahil sa isang senaryong kinapapalooban niya na kinukuwestiyon ng publiko.

At hindi lang ang mga kababayan natin ang nambabato sa kanya ngayon, maging ang mga tagapamuno ng ating pamahalaan ay pinagdududahan ang kanyang mga sinasabi, pati na ang palusot ng mga taong dumedepensa sa kanya ngayon.

Kuwento ng isang source na kabisado na ang pagkatao ng male personality, “Naku, kailangang bantayan ngayon ang mga sinasabi ng male personality na ‘yun! Bantayan dapat siya, as in, huwag na huwag siyang hahayaang magpa-interview!

“Kilalang-kilala na namin siya, mabilis siyang nerbiyusin, mabilis siyang maapektuhan ng mga nababasa at naririnig niya, baka kapag nagpa-interview siya, e, kung saan-saan pa mapunta ang sitwasyon niya ngayon!

“Kulang na kulang siya sa self-confidence, kapos siya sa paniniwala sa sarili niya, kaya mahirap na!” paalala ng aming impormante.

Kahit nu’ng hindi pa nakakaladkad sa bisyo ang pangalan ng male personality ay alam na alam na ng mga taong nakapalibot sa kanya ang hina ng kanyang loob.

Patuloy ng aming source, “Guwapo siya, matalino, pero kung bakit hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili niya. Magsasalita siya, sasagot sa interview, pero pagkatapos nu’n, e, tatanungin niya pa ang katabi niya kung tama ang mga sinabi niya?

“Tama naman ang mga sagot niya, nasa tamang hulog naman siya, pero kung bakit kailangan pa niya ng second opinion! Ganu’n siya kawalang tiwala sa sarili niya!” pag-alala ng aming source.

Sa sitwasoyn niya ngayon ay nag-aalala ang nagmamalasakit sa male personality na baka kung anu-ano pa ang kanyang sabihin. Baka kung sinu-sino pa ang madamay.

Mahigpit na bilin ng aming impormante, “May katigasan ang ulo niya, bantay-sarado ang kailangang gawin sa kanya ngayon ng mga nagmamahal sa kanya.

“Baka mapahiya at mabuking pa ang mga opisyales na nagtatanggol sa kanya ngayon. Baka madamay pa ang mga kapamilya niya kapag nakalimot siya, mahirap na!

“Ayan na nga, gusto raw niyang maging presidente kung papasok siya sa politics. Saan naman kaya at paano? Presidente kaya ng fans club o presidente ng homeowners?” nag-aalala pero nagpapatawa na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Raffy Tulfo naka-quarantine, driver nag-positibo!

Nu’ng nakaraang Biyernes ay hindi na napanood nang live sa kanyang mga programa sa radyo at telebisyon si Raffy Tulfo. Boses niya lang ang naririnig sa pamamagitan ng phone patch.

Dalawang linggong hindi mapapanood-maririnig ang matapang na news anchor sa Wanted Sa Radyo, Idol In Action at Frontline Pilipinas.

Naka-quarantine siya ngayon, nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang driver, sa contact tracing ay siya ang nangunguna sa listahan ng mga nakasalamuha nito.

Huwebes nang gabi nakaramdam ng kakaiba ang kanyang piloto, maagang-maaga nu’ng Biyernes ay nagpa-swab test sila sa St. Luke’s Medical Center, mabilisan ang prosesong ginawa at positibo nga sa virus ang kanyang driver pero negatibo naman si Kuya Raffy.

“Pero kami ang palaging magkasama ng driver ko, nasa harapan siya at nasa likuran ako, naka-aircon ang sasakyan ko. Ako na ang nag-self quarantine, kahit pa negative naman ang swab test ko.

“Nasa bahay lang ako, hindi ako lumalabas ng kuwarto, dinadalhan lang nila ako ng pagkain,” paliwanag ni Kuya Raffy.

Mahigpit sa kanyang mga staff ang TV host-komentarista na pinagsusumbungan ng ating mga kababayan, gumagastos siya para sa kaligtasan ng kanyang mga nasasakupan, regular ang swab test ng grupo.

Gustung-gusto niyang gampanan ang kanyang trabaho araw-araw, tutal naman ay nagnegatibo siya sa swab test, pero nagsisiguro siya para sa kaligtasan ng kanyang production staff.

“Nakikita ko mismo ang paghihirap at pagsasakripisyo ng buong bansa ngayon, ako mismo ang nagbabalita sa Frontline Pilipinas, hindi simple ang pagdurusa natin ngayon.

“Kailangan talaga natin ng ibayong pag-iingat, kailangang palakasin natin ang sistema ng ating katawan, sundin natin ang mga health protocols. Mahirap magkasakit, nasa atin ang pag-iingat,” paalala pa ng palabang broadcaster.

Dalawang linggo na ang boses lang niya ang maririnig pero tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagseserbisyo para sa ating mga kababayang sumisigaw ng hustisya at pag-ayuda sa mga walang-wala nang madudukot sa kanilang bulsa ngayong panahon ng pandemya.

PHILIPPINE PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with