^

PSN Showbiz

Hollywood series na Almost Paradise na umeere na, gawang pinoy!

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Hollywood series na Almost Paradise na umeere na, gawang pinoy!

Magaganap na ang pagpapalabas sa bansa ng Almost Paradise, ang unang American TV series na kinunan ng buo sa Pilipinas at gawa ng Pilipino.

Handog ng ABS-CBN at Electric Entertainment, mapapanood na ang crime drama series na pinagbibidahan ng Hollywood actor na si Christian Kane umpisa kahapon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC.

Bago ito, ipasisilip ang naging paghahanda sa programa sa Almost Paradise primer.

Ginagampanan dito ni Christian si Alex Walker, isang dating Drug Enforcement agent sa Amerika na napilitang magretiro sa trabaho at piniling manirahan sa isang isla sa Pilipinas. Sa kabila ng kanyang paglayo sa da­ting buhay, muli siyang mapapalapit sa kapahama­kan dahil mapapadpad sa paraisong kanyang kina­roroonan ang mga mapanganib na kriminal sa mundo at ito ang uudyok sa kanyang tulungan ang mga kaibigang pulis na Pilipino.

Unang umere sa US cable company na WGN America ang Almost Paradise, ang unang sabak ng ABS-CBN sa Hollywood TV production.

Kinunan ang lahat ng eksena nito sa Cebu bago ang pandemya tampok ang isang all-star Filipino cast sa pangunguna ni Nonie Buencamino na gaganap bilang hepe nila na si Ike Ocampo, Art Acuña na gaganap bilang Detective Ernesto Alamares, at Samantha Richelle bilang Detective Kai Mendoza.

Ilan pa sa kasama sa programa sina Ces Quesada, Angeli Bayani, Raymond Bagatsing, Ryan Eigenmann, Zaijian Jaranilla, Elijah Canlas, AC Bonifacio, Sophia Reola, Nikki Valdez, Lotlot de Leon, Ketchup Eusebio, Isay Alvarez, Lou Veloso, Will Devaughn, Boom Labrusca, Noel Trinidad, Richard Yap, Ricci Chan at Zsa Zsa Padilla.

Tampok din dito sina Sandino Martin, Guji Lorenzana, Jay Gonzaga, Beverly Salviejo, Miguel Faustmann, Raul Montesa, Teroy Guzman, Alex Medina, Patrick Sugui, Joe Vargas, Benj Manalo, Miko Raval, Marc Acueza, Eric Tai, Michael Roy Jornales, Zeppi Borromeo, Annicka Dolonius, Yan Yuzon, Lloyd Zaragoza, John James Uy, Karla Pambid, Apollo Abraham, at marami pang iba.

Nagsilbing line producer nito ang Head ng ABS-CBN International Production and Co-Production Division na si Direk Ruel Bayani, habang kabilang naman sa mga direktor ng palabas ang mga Pilipinong filmmaker na sina Francis Dela Torre, Hannah Espia, Dan Villegas, at Irene Villamor. Binubuo rin ng mga Pinoy ang production staff at crew ng Almost Paradise at maging mga lokal na taga-Cebu ay nagbahagi rin ng tulong sa shooting nito.

Sina Dean Devlin, ang CEO ng Electric Entertainment, at Gary Rosen ang creator ng American TV series na ito.

Isang Filipino-American si Dean na gumawa ng pangalan sa Hollywood bilang producer ng mala­laking box-office hit tulad ng Independence Day, Godzilla, at The Patriot.  Una nang sinabi ni Devlin sa contract signing sa ABS-CBN noong 2019 na napili nilang maki­pag-partner sa ABS-CBN dahil sa sa paglinang nito ng talento at kakayahan ng mga tao sa harap at likod ng kamera.

Julie at David, nagpapakilig!

Nilalanggam ulit ang social media dala ng mga behind-the-scenes photos ng cast ng upcoming GTV series na Heartful Cafe.

Pinagkaguluhan ng netizens ang recent tweet ng Kapuso actor na si David Licauco kung saan makikita ang sweet selfie nila ng leading lady na si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose na may caption na “Ay yung crush ko.”

Kilig na kilig ang mga nakakita nito at inulan ang post ng libu-libong likes. Agree ang netizens na may chemistry ang dalawa at talagang bagay sila para sa mga magiging roles sa inaabangang serye.

Abangan ang nalalapit na pagbubukas ng Heartful Cafe sa GTV!

TV SERIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with