^

PSN Showbiz

Ina aminadong mas isip-bata pa sa anak kaya ‘di tumatanda!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ina aminadong  mas isip-bata pa sa anak kaya �di tumatanda!
Ina
STAR/ File

Super hot mom si Ina Raymundo sa trailer ng original anthology series na Ampalaya Chronicles ng iWantTFC na mapapanood nang libre beginning Marso 26.

Hindi mo kasi talaga aakalaing 20 years ago pa siya nang maging hottest star dahil sa Sabado Night ng San Miguel.

Parang walang nagbago actually since then, at magkaanak ng lima.

Ayon kay Ina, ang secret ng lahat – workout/exercise.

“It’s my lifestyle mula nang manganak ako sa first born ko na mag-work out, and because of that, ang pagkain ko healthy. Pero siyempre kumakain din ako ng junk food, may cheat days ako. Pero it’s really a combination of eating well and working out. Isa talagang factor ‘yun para, what do you call it, youthful glow,” sagot ni Ina sa virtual media conference the other day ng Ampalaya Chronicles, Me & Mrs. Cruz episode kung saan nga gaganap siyang Mrs. Cruz.

“Kasi pag nagwo-work out talaga nagsi-circulate ang blood mo. It’s really good for the body, so ‘yung flow ng blood ang pinaka-important sa katawan natin. I think big factor talaga ‘yun.

‘Saka siguro isip-bata ako. Siguro talagang combination of everything. Mas isip bata pa ako sa panganay ko minsan,” sabay tawa ng actress. (All grown up na ang eldest ni Ina na si Erika Rae sa husband niyang si Brian Poturnak. Lima bale ang anak nila.)

Kaya naman kahit half of her age ang leading man niyang si Paulo Angeles, mas ito pa ang nagkaroon ng ‘high blood’ sa mga eksena nila sa hugot anthology series na ginawa nila.

“Siyempre since Paolo is almost half my age I’m always worried na baka mag mas mukha akong nanay niya kaysa as love interest. So that’s also a concern for me. But when I saw it naman, okay naman,” paliwanag ng actress sa kanyang unang project ngayong pandemic.

“Since I didn’t act for so long, one year, medyo nahihiya ako. But of course it’s a good, good story.  Maganda ‘yung story and si Paulo ay magaling dito,” dagdag nito.

Si Paulo ay isang delivery boy na iba’t ibang gimik ang ginagawa, as in may performance siya habang nag-deliver siya.

“Alam ng lahat na na-pressure ako sa poetry. Kasi unang-una malalim ‘yung words. ‘Di ko siya pangkaraniwan na ginagamit. Halos hindi nga ako makatulog. Pressure siya pero nung nandoon na sa set, ‘di ko alam kung paano pumasok sa utak ko ang words,” pag-amin ni Paulo sa mga ginawa niyang spoken words na naging dahilan pa para mas tumaas ang blood pressure niya kasi talagang hindi raw siya nakakatulog.

Pangatlong episode ang Me & Mrs. Cruz kasunod ng Adik at Labyu Hehe, kung saan mabubuo ang isang malalim na samahan sa pagitan nina Eva Cruz (Ina) at Caloy (Paulo) sa kabila ng kanilang 23-taon na age gap.

Si Caloy ay isang masiyahin at palabiro na delivery boy ng isang flower shop habang si Eva naman ay isang sosyal na babaeng mahilig gumimik para makalimutan ang lungkot sa pagkawala ng kanyang asawa.

Sa kabila ng kanilang pagkakaiba, nagkakapareho naman sila sa pinagdaanang mapait na pag-iibigan noon.

Dito rin maaakit si Caloy sa pagka-misteryoso ni Eva at susubukan niyang pawiin ang lungkot nito.

Magtagumpay kaya si Caloy sa pagtulong niya kay Eva? Mauuwi nga ba sa pagmamahalan ang kanilang samahan?

Ang Me & Mrs. Cruz ay batay sa piyesa ni Jerome Dawis at kabilang din sa cast sina Kat Galang, Kristof Garcia, Mark Wei, JM Mendoza, Sophie Reyes, Nicki Morena, at Ms. Frances Makil-Ignacio mula sa direksyon ni Real Florido.

vuukle comment

INA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with