^

PSN Showbiz

Kambal nina Aga at Charlene, hindi atat sa showbiz!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kambal nina Aga at Charlene, hindi atat sa showbiz!
Aga, Charlene, Atasha at Andres
STRA/ File

Hanga ako kina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Imagine mo na ang dali sana para sa mga anak na pasukin ang showbiz pero mas pinili ang pag-aaral.

Suwerte rin na meron silang mga supportive na magulang at sa abroad pa talaga balak magtapos ng college. Kasi nga, college graduate si Charlene, at kahit pumasok ng showbiz at naging beauty queen, tinapos pa rin ang studies niya sa UST at kung hindi nga siguro nag-asawa, baka itinuloy ang pangarap na maging doktor.

Choice ng isang tao ang path niya sa buhay, siguro nga mas lamang sa utak ng twins nina Aga at Charlene ang pag-aaral kesa showbiz, or baka kung tapos na sila ng college saka nila harapin.

Pero hanga pa rin ako sa guidance nina Aga at Charlene sa mga anak nila na talagang mas inilagay nila sa priority ang pag-aaral.

To think na at a very early age pumasok si Aga sa showbiz, ang ganda ng partnership nila ni Charlene, tahimik at maayos ang kanilang family life.

Alam nila ang dapat i-prioritize sa buhay, family first. Bongga.

Ogie, gustong tularan ng ibang writers

Alam mo ba, Salve, siguro isa sa masaya ‘pag Tuesday sa Take It… Per Minute Me Ganun ay si Ogie Diaz. Kasi nga, parang regular ‘customer’ siya ng show natin, pang-energize sa start ng program, pero pagkatapos mag-say ‘Hi’ ayun, alis na agad. ‘Katuwa pa nga na pati mga konek niya like si Jaja at Happy Boink na nagluluto ng ulam, talagang pinakilala niya sa atin at binigyan din tayo ng products nila. ‘Yung Usana vitamins na isa yata sa sponsor ni Ogie, binigyan niya rin tayo. Bongga siya sa suporta ng show natin.

Sobra rin sa sipag si Ogie kaya naman hayun, mas mayaman pa sa amin ni Cristy Fermin ha. At mahusay siya sa investment kasi ‘yung mga property niya, prime ang location at talagang mabilis tumaas ang value.

Saka hindi siya nagbago, ganun pa rin ang pakikisama niya sa mga dati niyang kaibigan, kaya naman siguro tuluy-tuloy ang suwerte niya.

Success story talaga si Ogie kaya naman maraming showbiz writers ang gustong tularan ang ginawa niya sa buhay.

vuukle comment

AGA MULACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with