^

PSN Showbiz

Fanny Serrano, may malay na

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Fanny Serrano, may malay na
Funny
STAR/ File

Conscious na raw ang beauty expert Fanny Serrano ayon kay Sharon Cuneta  na nagkaroon ng massive attack the other night.

“He’s being treated, he’s conscious, but please can I just ask you to pray for him,” sabi pa ni Megastar habang umiiyak.

“I’m sorry but I need — prayers work wonders talaga, so can you just please, please pray for Tita Fanny, I love him so much, he’s been like a family to me for three decades, please, please pray for him, his healing, thank you so much. Love you, guys,” dagdag ni ate Shawie.

Sa property ni Ate Shawie dati nakatayo ang salon ni Fanny.

Hindi ito ang first time na nagkaroon ng attack ang beauty expert.

Ibang staff ng kapamilya na nagkatrabaho sa PTV 4, na-virus?!

Ano nga kayang magiging kapalaran ng  staff ng PTV4 na may sala sa blunder sa kanilang tweet. May pa-hashtag itong #dutertepalpak at may BTS noong Tuesday ng gabi sa tweet na “President Rodrigo Duterte R. #dutertepalpak BTS reiterated his order to provide free masks for the public especially to those who cannot buy their own.”

Sini-share nila ang story ng ptvnews.ph na PPRD : Government, at this time, must provide masks.

Hindi ito ang first time na nagkaroon ng blunder ang account ng state run station.

Opinion ni former Makati Mayor Jejomar Binay, hindi dapat parusahan kung sino man ang nagkamali sa nasabing hashtag dahil sinasabi lang nito ang sentiments ng maraming Pilipino sa pagha-handle ng gobyerno sa kasalukuyang health crisis na kinakaharap na hindi lang naman ng Pilipinas kundi ng buong mundo. “PTV 4 should not punish the person who posted #DutertePalpak on their twitter account. He or she was just sharing the sentiments of many Filipinos. Even in a govt TV station, we assume there is still freedom of expression. Sometimes, the truth hurts,” pahayag ng dating  mayor ng Makati.

Nauna nang naglabas ng statement ang PTV tungkol na nasabing ‘careless mistake’ na #dutertepalpak : “PTV is currently investigating the intent behind this malicious post. Our apologies.”

Kahapon ng umaga ay naglabas din sila ng panibagong statement at sinasabing bibigyan nila ng sanction ang kalpakan na nangyari sa PTV New Media. “The management will certainly institute disciplinary actions against members of the social media team who are behind the erroneous posting.

“PTV New Media deeply regrets the error and take (sic) full responsibility for the oversight.”

Pero after a year, face mask pa rin ba talaga ang usapan?

Nasaan na kaya ang vaccine?

Anyway, true din kaya na kaya ini-lockdown ang PTV kahapon ay dahil may mga nahawahang staff? Ang sabi, ilang staff daw ng PTV production na bagong lipat lang from ABS-CBN ang nahawa ng virus.

Nagkaroon ng disinfection ang government network kahapon.

Aktor na nagpa-swab para sa lock-in, nag-positive!?

Speaking of nahawa, kumalat kahapon na diumano’y nag-positive sa swab para sana sa lock-in taping ang isang actor.

Bago ang lock-in taping ay required ang swabbing at in all fairness makikita sa Instagram account ni actor na nagpa-swab siya.

Wala pang confirmation sa actor ang tungkol dito.

FUNNY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with