Sunshine magiging misis ng pulitiko, bumuwelta sa mga kaaway ng anak
Magiging first lady rin kaya ng San Juan si Sunshine Cruz?
May balitang, naghahanda umanong kumandidato ang boyfriend nitong si Macky Mathay sa San Juan sa darating na election.
Yup, kadikit daw kasi ito ni San Juan Mayor Francis Zamora.
Nauna na nga itong na-blind item na diumano’y madalas magtambay sa office of the mayor kahit noon pa.
So magiging misis din kaya ng politician si Sunshine?
Samantala, sinagot ni Sunshine ang issue sa kanyang anak na si Angelina na naka-post sa DLSU FB freedom na nag-circulate sa social media the other night. Marketing Management student si Angelina sa De La Salle University at sinabi ni Sunshine dati na dean’s lister ang anak.
Nakasulat sa blind item na “Ang perfect ng soap commercial niya. Sana sa group works din grabe kami talaga nagbuhat sayo. Uso mag LOA if dehins kaya mag-commit. Influencer please be an influencer talaga ah.”
Recently lang ay napanood si Angelina sa soap commercial with Sunshine.
“If this is indeed true, reveal yourself. I know how hardworking my daughter is when it comes to school. She won’t be a dean’s lister for nothing. Be proud of other people’s achievements and stop bringing them down,” buwelta ni Sunshine.
Dagdag pa niya : “May nag-comment nito sa thread ng DLSU FREEDOM WALL sa Facebook and gagamitin ko ngayon… ‘Kapag inggit, pikit!’”
Nauna na ritong sumagot si Angelina na nag-aartista na rin na “I might as well address it because it’s so frustrating to see these false accusations continue. I KNOW I do my parts, and groupmates of mine, past or present can vouch for me. I really don’t see the point of targeting me just because you’re hidden behind anonymity,” sabi nito sa IG story.
Naalala kong sa virtual media conference ng sitcom na John En Ellen nina John Estrada and Ellen Adarna na napapanood sa TV5 ay sinabi ni Angelina na hirap siyang mag-Tagalog.
Hmmm, dahil kaya Lasalista siya?
- Latest