Pokwang naloko ng online seller
Naku, Ateng Salve, alam mo ba ang biruan ngayon ng ibang mga taga-ABS-CBN after na lumabas ang news na magtatapos na sa buwan ng April ang FPJ’s Ang Probinsyano?
Baka raw pahabain pa ng Kapamilya network ng five years ang series na ‘yon ni Coco Martin, huh!
Of course, biruan lang ‘yon dahil more than five years na nga ang nasabing Kapamilya series.
Anyway, sa April, after Holy Week, balik-lock-in taping ang FPJ’s Ang Probinsyano na patunay na hindi pa talaga napagdedesisyunan kung kailan sila mag-e-end lalo na nga’t simultaneous na ang airing nito sa TV5.
Ang social media post kamakailan ni Pokwang na pinasasalamatan ang in-order-an niya ng roaster oven para sa business niyang roasted chicken (na nagpa-sample na rin naman siya sa ilang mga kaibigan last year pa).
Bago ang dumating ang roaster oven na ‘yon, sumama muna ang loob ni Pokwang sa unang in-order-an niya dahil hindi nai-deliver sa kanya after niyang magbayad.
Buti na lang daw at matinong kausap ang in-order-an ngayon ni Pokwang, kaya nai-deliver sa kanya ang nasabing roaster oven.
May warning si Pokwang sa unang in-oder-an na papangalanan niya ‘yon oras na hindi ibinalik ang pera niya.
Knowing, Pokwang, palaban siya, kaya better na ibalik na ang pera niya ng unang in-order-an niya ng roaster oven, huh!
Paano… papalitan ng serye nina Maja at Empoy!?
Extended pala ang Paano Ang Pangako? ng TV5.
Naka-lock-in taping nga uli ang series na pinagbibidahan nina Maricel Laxa, Beauty Gonzalez, Bing Loyzaga, Miles Ocampo at Elijah Canlas.
Hanggang March 31 na raw sila at ok naman daw ang series sa 7:15 p.m na timeslot nila.
Sa Monday, susundan na sila ng apat na shows ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano, Ang Sa Iyo Ay Akin, Walang Hanggang Paalam, at Pinoy Big Brother Connect.
Sa April 5, ano kaya ang ipapalit na show ng TV5 sa mababakanteng time slot ng Paano Ang Pangako? Doon kaya ilalagay ang sinasabing show nina Maja Salvador at Empoy?
Well… ‘Yun na!
- Latest