Veteran broadcaster Doris Bigornia tagumpay ang 'open-heart surgery'
MANILA, Philippines — Nagpasalamat sa publiko ang pamilya ng beteranang broadcaster na si Doris Bigornia sa suportang natanggap sa madla matapos ang isinagawang maselang operasyon sa puso noong nakaraang linggo — bagay na naging matagumpay.
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang atakihin sa puso ang "Mutya ng Masa" ng Kapamilya network. Una itong kinumpirma ng DZMM Teleradyo reporter na si Alwin Echico, Martes noong nakaraang linggo.
Basahin: Doris Bigornia to undergo open-heart surgery
"Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdarasal para kay mommy. Natapos na po ang surgery niya nung isang araw at successful po ito," ani Nikki Bigornia, anak ng mamamahayag, nitong Lunes.
"Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy."
Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdarasal para kay mommy. Natapos na po ang surgery niya nung isang araw at successful po ito. Subalit, patuloy po kaming humihingi ng inyong mga dasal para sa tuluy-tuloy na recovery ni mommy ????????
— Nikki Bigornia ???????? (@nikkibigornia) March 1, 2021
Aniya, nakarating na kay Doris ang mga mensahe ng kanyang mga tagasubaybay habang lubos ding nagpapaabot ng pasasalamat sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya.
"Ako rin po at ang aming pamilya ay nagpapasalamat sa inyong lahat. Dahil nabigyan niyo po kami ng lakas at pag-asa. Mahal na mahal namin kayo," sambit pa ni Nikki.
Dalawang Linggo pa lang din ang nakalilipas nang magdiwang ng kanyang ika-55 na kaarawan si Doris, na siyang na-celebrate pa on-air sa palatuntunang "S.R.O."
Matatandaang nagpatingin sa espesiyalista ang batikang broadcaster halos dalawang buwan na ang nakalilipas dahil na rin sa sama ng dinramdam.
"Check up check up din dahil kailangan na. @alvinelchico kaw na muna bahala sa SRO mamaya," sabi niya sa isang Instagram post noong ika-14 ng Enero, 2021.
- Latest