'Tawag ng Tanghalan' contender hiyang-hiya sa shutdown ABS-CBN posts noon
MANILA, Philippines — Matapos ma-bash sa social media, humingi ng tawad sa publiko ang "Tawag ng Tanghalan" contestant na si Kaloy Villaver matapos lumutang ang lumang paskil na nananawagang maipasara ang ABS-CBN — kahit sa Kapamilya Network mismo umeere ang sinasalihang patimpalak.
'Yan ang diretsahang sagot ni Villaver nang kamustahin ni Vice Ganda sa "It's Showtime," Martes, dahil sa mga natatanggap na batikos online na labis na raw nakaaapekto sa kanyang pamilya.
Congratulations Kaloy (Manuel) Villaver kahit na Yes to ABS-CBN Shutdown ka ay malakas ang loob mong sumali sa TNT!????????
— Kapamilya Online World (@kowalerts) February 23, 2021
Ang bait lang talaga ng It's Showtime family ???? #ShowtimeBetNaFeb #Kaloy pic.twitter.com/kIGNbML5Lh
"Hindi ko pwedeng i-deny 'yon. I'm actually very thankful na binigyan ako ng chance ng network to... share my talent to everybody and have my story heard," ayon sa contestant kanina.
"From the bottom of my heart, I would like to say sorry to everybody. "
Aniya, ipinanawagan daw niya ang "Yes to ABS-CBN shutdown" noong nasa abroad pa siya at vocal makipagdebate online.
Gayunpaman, nagbago raw ang lahat nang umuwi siya ng Pilipinas at natuklasan nang direkta ang mga nagyayari.
Mayo 2020 nang tuluyang mawala sa ere ang ABS-CBN sa pagkakapaso ng legislative franchise nito, dalawang taon matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipare-renew ang kanilang prangkisa dahil sa hindi pag-eere ng kanyang political ads noong 2016 presidential elections.
Basahin: Kamara ibinasura ang ABS-CBN franchise renewal
Kaugnay na balita: After Duterte rant, Velasco quashes hope for ABS-CBN franchise renewal
"I want to understand. Gusto kong malaman bakit mo nasabi 'yong [yes to ABS-CBN shutdown]. Ano 'yung tumatakbo sa isip mo noong sinabi mong sana magsara 'yung ABS-CBN?" tanong ni Vice sa contestant.
"Maraming nagagalit, maraming puwedeng magalit. Actually, kami dito puwede kaming magalit sa’yo. Pero ako personally, at this point, I want to understand you."
Paliwanag naman ni Kaloy, naimpluwensyahan lang siya ng mga vlogs at social media pages na hindi niya na-validate noon.
Tipikal para sa mga maka-administrasyong social media comments at vlogs na bansagang "biased" laban kay Duterte ang ABS-CBN.
"Nahihiya po ako actually. I gotta be honest. Sobrang hiya po ako sa ginawa ko. I was barking at the wrong tree that time," wika pa ni Kaloy kanina.
"Nahihiya ako na mali ang sinasabi ko... [Marami akong nababasa noong news ng ABS-CBN] na I thought... was fake... but I validated na totoo pala."
Kahalintulad na insidente sa PBB
Enero 2021 lang nang mabatikos din para sa kahalintulad na isyu ang isang housemate ng Pinoy Big Brother matapos ding mag-post ng "Yes to ABS-CBN shutdown" bago pumasok sa "bahay ni Kuya."
Kaugnay na balita: Pinoy Big Brother housemate evicted after remark on ABS-CBN shutdown
Basahin: Toni Gonzaga 'to-the-rescue' sa evicted PBB housemate na pumabor sa ABS-CBN shutdown
Bagama't walang sariling channel ang ABS-CBN, ipinalalabas ang "It's Showtime" at "Pinoy Big Brother" sa A2Z Channel 11.
Matatandaang libu-libong manggagawa sa media ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkawala ng ABS-CBN sa free TV. Kakabit niyan, tinapos din ng Kapamilya Network ang lahat ng regional newscasts nito.
- Latest