MNL48 pinangalanan na ang Third Generation Center Girl
MANILA, Philippines — Itinanghal bilang Third Generation Center Girl ng MNL48 ang 23 anyos na si Abelaine Trinidad sa MNL48 Third General Election na naganap sa It’s Showtime noong February 20.
Matapos maging Rank 2 noong First General Election at Rank 3 naman sa Second General Election, nakuha na sa wakas ni Abby ang Center Girl position na siyang magsisilbing Center ng Third Year members ngayong taon.
Ang MNL48 Third General Election ay isang annual event kung saan may kapangyarihan ang fans piliin kung sino sa oshis nila ang karapat-dapat mapabilang sa Top 48 alinsunod sa sistema ng MNL48 international sister group na AKB48. Nagsimula ang election noong Marso 2020 at natapos noong Nobyembre 2020.
“Grabe hindi ko ine-expect bilang first generation member na ngayon na naging parte pa rin ng third generation member,” saad ni Abby. “Thank you so much sa binigay niyong opportunity kasi talagang tinulungan n’yo ako mag-improve. Kaya po ako nandito dahil sa inyo. Kung wala po kayo wala din po dito. Thank you sa MNLoves, family and friends po. Kaya po ang dahilan kung bakit ako nandito.”
Uuwi namang Rank 2 ang kauna-unahang Center Girl ng MNL48 na si Sheki Arzaga at Rank 3 si Maria Jamie Beatrice Alberto. Kabilang din sa KAMI7 o top 7 sina MNL48 Ruth (Rank 4,), Ella (Rank 5) Jan (Rank 6), at si Andi (Rank 7). Kasali rin sa Senbatsu ngayong taon sina Jem, Yzabel, Gabb, Alice, Princess, Lara, Coleen, Thea at Tin. Sa pangunguna ni Abby kasama ang bagong Senbatsu at Undergirls, magsisimula na ang MNL48 ng preparasyon para sa kanilang ika-pitong single.
Samantala, apat naman sa hashtags ng Third General Election ang nag-trending sa Twitter.
- Latest