^

PSN Showbiz

Young male personality na panalo sa pagkanta, pinagdamutan ng ama

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag pinanonood ng aming source na kumakanta at humahataw sa pagsayaw ang isang young male personality sa isang musical variety show ay napakarami nitong naaalala.

Masayang-masaya ang aming source para sa kinahinatnan ng pag-aartista ng young male personality pero hindi nito maiwasan ang malungkot dahil sa mga pinagdaanan ng bagets actor.

Sabi nito, “Ang bait-bait talaga ng kapalaran sa mga inaapi. Nakakaawa ang batang ‘yan nu’n! Kung maliitin siya ng mga kapamilya ng tatay niya, e, ganu’n na lang!

“Kawawa silang mag-ina, pinagtatawanan ng kampo ng tatay niya, pera lang daw ang habol, kaya hindi nila pinapansin!” malungkot na pag-alala ng aming impormante.

Ibang tao pa ang tumutulong sa mag-ina, mga taong wala namang kinalaman sa kuwento ng buhay nila, naaawa lang sa bata ang mga ito.

Patuloy na pag-alala ng aming source, “Siyempre, nabubulungan ang tatay niya, kaya wala ring magawa. Ni hindi nga niya naipagtanggol nu’n ang anak niya!

“Kundi pa niya nalaman na kakasuhan siya ng babae para sa suporta, e, hindi pa siya kikilos! At siya pa ang nagpa-DNA test, ha? Nu’ng mapatunayang mag-ama nga sila, e, ang male personality pa ang lumabas na bida sa kuwento!

“Ang bait-bait daw ng male personality, hindi raw niya pinabayaan ang naging anak niya nu’ng bagets pa siya, super-bait daw talaga ni papa!” ‘yun ang palaging tinatanggap na papuri nu’n ng male personality ayon pa sa source.

Impernes ay mabuti naman ang puso ng lala­king personalidad, pero madali itong madala sa mga bulong, kaya nakakaawa ang young male personality.

“Ngayon, namamayagpag na rin ang bagets! Ang galing-galing niyang sumayaw, panalo rin siya sa pagkanta! Ano kaya ang masasabi ngayon ng mga taong nangmaliit sa kanilang mag-ina nu’n?

“Hindi man nakuha ng bagets ang kumpletong kaguwapuhan ng tatay niya, e, super-guwapo rin naman siya, malakas ang charisma ng bagets!

“Mabait talaga ang kapalaran sa mga kinakawawa, sa mga inaapi, sa mga pinag­dadamutan ng pagmamahal. At may lungkot sa mga mata ng bagets, kitang-kita ‘yun kahit masaya ang tema ng kinakanta niya!

“Sa totoo lang, nalulungkot ako kapag pinanonood ko siya. Pero masaya na rin ako! Survivor ang bagets!” madiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Take it... pinaghuhugutan ng energy ng mga pinoy sa abroad

Ang bilis-bilis ng usad ng mga araw! Hindi man lang tayo nainip. Malinaw ang dahilan, tanggap na natin ang kasalukuyang panahon, ang new normal, ang takbo ng buhay ngayong pandemya, niyakap na natin.

Martes na naman bukas, bahagi pa rin ng isang buwang selebrasyon ng Take It, Per Minute… Me Gano’n! sa kanyang ikalawang taon, napakabilis talaga ng panahon.

Martes ang pinaka-toxic naming araw. Madaling-araw pa lang ay nagsusulat na kami ng aming mga kolum. Maaga pa lang ay bumibiyahe na kami papunta sa Mga Obra Ni Nanay kung saan ginaganap ang napakasayang digital show na TIPMMG.

Bitin ang aming mga kuwentuhan nina Manay Lolit Solis, Mr. Fu at Salve Asis dahil pagkatapos ay uuwi naman kami sa Valenzuela kung saan kami nagwo-work from home para sa Cristy Ferminute.

Ganu’n ang ikot ng aming mundo tuwing Martes, pero para kaming sinasaksakan nang ilang bags na suwero, dahil alam naming nakapagpapaligaya kami ng mga kababayan nating nabuburyong sa pandemya dito at sa iba-ibang bansa.

Sabi ng isang tagapanood namin sa Hong Kong, “Mahigpit ang mga boss namin, nakamata sa aming lahat, pero nalulusutan din namin sila. Guma­gamit kami ng earphones!

“So, ‘yung kuwentuhan n’yo sa Take It Per Minute, e, sapul pa rin namin! Naloloka na lang siguro ang boss namin kung bakit kami halakhakan nang halakhakan kapag ibinubuking na ni Manay Lolit ang mga blind items!” pag-amin ng tagasubaybay naming OFW.

Palagi namang komento ni Rey-ar Reyes ng Winnipeg, Manitoba, Canada, “Para lang kasi kayong nasa kusina habang nagso-show! Nand’yang may kausap si Manay Lolit habang umaandar ang programa, nand’yang naiihi na siya, nakakaloka kayo, nakakaadik kayong panoorin!”

‘Yun ang premyo namin sa TIPMMG at CFM, ‘yung alam naming nakapagpapasaya kami ng mga kababayan nating OFW na nalulungkot, ‘yung pansamantala namin silang napapahalakhak, dahil maramot ang pagtawa ngayong panahon ng pandemya na humihilahod sa kahirapan ang buong mundo dahil sa salot na COVID-19.

Du’n kami kumukuha-humuhugot ng energy, ‘yun ang dextrose na isinasaksak sa amin, walang kapantay na kahit magkano ang ganu’ng kasiyahan.

Kaya ngayong alas dose, mas pasasarapin uli ng Take It, Per Minute… Me Gano’n ang inyong pananghalian, salu-salo po tayo sa mga pinakahu­ling chika at intriga at sa mga blind items na pinapangalanan din ni Manay Lolit sa bandang huli.

Ha! Ha! Ha! Ha!

MALE PERSONALITY

YOUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with