Luis, may ‘pasabog’ sa YFSF
Handa na ang Your Face Sounds Familiar (YFSF) sa mga pasabog nito sa ikatlong season tampok ang pagpapalit ng anyo at boses ng mga celebrity na kalahok at nag-umpisa na kagabi.
Makakasama tuwing Sabado ng 8 p.m. at Linggo ng 7:30 p.m. ang Pambansang Host na si Luis Manzano at ang mga miyembro ng Jury na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, King of OPM Ogie Alcasid, at Megastar Sharon Cuneta, at celebrity mentors na sina Jed Madela and Nyoy Volante, na gagabay sa mga kalahok sa kanilang mga performance.
Kabilang sa mga tumanggap ng hamon sa paggaya sa mga sikat na performer sa bansa at sa mundo sina Christian Bables, CJ Navato, Geneva Cruz, Jhong Hilario, Klarisse de Guzman, Lie Reposposa, Vivoree Esclito, at ang iDOLLS na sina Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario.
Tumataginting na P50,000 ang mapapanalunan ng winner kada linggo habang P1 milyon naman ang naghihintay para sa kampeon ng season.
Ngayong taon, mas gaganahan pa ang mga tumatangkilik sa programa dahil magkakaroon ng gap show ang YFSF sa Kapamilya Online Live kasama sina Darren Espanto at AC Bonifacio.
Anyway, si Billy Crawford ang original host ng YFSF na sa TV5 na napapanood.
- Latest