^

PSN Showbiz

Kilalang aktor na laging tulog, sikat na boy kamot sa set

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kilalang-kilala ng kanyang mga katrabaho ang isang guwapong male personality sa pangalang Boy Kamot. May dahilan ‘yun, hindi siya binansagan ng ganu’n nang walang dahilan, may kuneksiyon sa ugali ng male personality ang kanyang pangalan.

Ganu’n ang nagaganap sa taping o shooting, may palihim na tawag ang mga taga-produksiyon sa mga artitang nakakatrabaho nila, para hindi sila nabubuking.

Bakit nga ba binansagang Boy Kamot ang guwapong male personality? Mahilig ba siyang magkamot?

Unang kuwento ng aming source, “Palagi kasi siyang nagkakamot ng ulo kapag tinatawag na siya para sumalang. Nandu’n na kasi ang mga kaeksena niya, siya na lang ang wala, kaya anuman ang ginagawa niya, e, kailangan niya nang ihinto!

“E, kung makapagtelebabad naman kasi si ____(pangalan ng guwapong male personality), e, wagas na wagas! Parang wala nang bukas! Alam niya namang nagtatrabaho siya, pero sinasabayan pa niya ng ganu’n!” buwena-manong kuwento ng aming source.

Matakaw pa sa tulog ang male personality dahil bata pa siya. Marunong siyang pumaraan, kapag nag-aayos pa ang production, sinasabayan niya ‘yun ng pag-iidlip.

Patuloy ng aming impormante, “Kapag sinabi nating idlip, e, power nap lang ‘yun, hindi tulog talaga, di ba? E, kapag nakakaidlip siya, siyempre, kailangan na siyang tawagin para sa eksenang kukunan.

“Palagi siyang kasama, kasi nga, e, bumibida siya! Kapag tinatapik na siya ng staff para sumalang na, e, kamot siya nang kamot sa ulo niya! Paulit-ulit ‘yun!

“Naiinis siya! Bakit siya naiinis, e, pinangarap niya ang buhay na ganyan, di ba? Ang laki-laki ng talent fee niya, nakaahon sila sa kahirapan dahil sumikat nga siya!

“Kung ayaw niyang naaabala siya kapag umiidlip siya, e, di huwag siyang tumanggap ng trabaho at matulog na lang siya nang maghapon at magdamag! Kainisan ba ang trabaho niya?

“Boy Kamot ang tawag sa kanya ng mga taga-production, BK pa nga, para hindi niya mabuking kung ano ang bansag sa kanya! Ugali na talaga niya ‘yun!

“Kapag naaabala siya sa ginagawa niya, e, agad na siyang nagkakamot ng ulo! Naiinis sa kanya ang mga katrabaho niya! Ka-loveteam lang niya sa tunay na buhay ang nakakaintindi sa kanya!” naiinis na ring pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sharon nagsalita sa tunay na ugali ng anak na si Kakie

Sa dalawang araw na pakikipagkuwentuhan namin kay Sharon Cuneta sa Cristy Ferminute ay napakarami niyang kuwentong ibinahagi sa ating mga kababayan.

Positibo ang pananaw niya sa mga bashers. Naiintindihan niya na hindi lahat ay sasang-ayon sa kanyang opinyon, o kahit lang sa mga larawang ipino-post niya sa kanyang mga account, palaging may kokontra.

Ang iba ay nang-iinis lang, meron namang talagang namemersonal, nauunawaan niya ang mapanakit na kapritso ng mga taong pilit na naghahanap ng butas para mapansin lang sila.

Katwiran ng Megastar, ang mga taong hindi niya naman kilala at hindi rin siya kilala ay hindi nakakaapekto sa kanya, maliban na lang kung sobrang baligtad na ang pinalalabas ng basher.

Kailangan na niyang sagutin kapag ganu’n, lalo na kung kinakaladkad na ang pangalan ng kanyang pamilya, lumalabas din ang pangil ni Sharon sa mga ganu’ng pagkakataon.

Kuwento ni Mega, “’Yun din ang palagi kong sinasabi kay Kakie, huwag siyang nagpapaapekto sa mga bashers, hindi naman siya kilala ng mga taong ‘yun, e!

“She knows herself, we know her, alam namin na ayaw niya ng injustice talaga. Very open ang anak ko sa mga opinions niya, hindi siya natatakot maglabas ng saloobin niya.

“Pero kung kilala nila si Kakie, mamahalin nila ang anak ko! Napakabait na bata! Wala siyang mean bone, maganda ang puso ni Kakie,” kuwento ni Sharon.

Ang pagiging mapuso sa maliliit, hindi pa raw siya nag-aartista, ay talagang naturalesa na niya. Maaga siyang namulat sa katotohanan ng buhay dahil maliit pa lang siya ay isinasama na siya na kanyang mga magulang sa mga lugar na tinitirhan ng mga kapuspalad.

“Kahit ngayon, kaya kong ma­kisalamuha sa kanila, alam ko ang buhay-mahirap. Batambata pa ako, nakakasama ko na sila. Pag-uwi namin, kakausapin ako ng daddy ko. Ano raw ang natutuhan ko sa mga nakita ko?

“Hindi pa ako artista, alam ko nang kung may mga taong blessed, mas marami ang hindi. Kaya nga sinikap ko talagang magpaaral ng mga batang gustung-gustong pumasok, pero walang paraan dahil walang-wala sila.

“’Yung mga tinulu­ngan ko, e, may mga apo na ngayon, pero punumpuno ang puso ko sa pasasalamat nila. Iyakin ako! Iniiyakan ko ang mga napapanood ko sa news, ayokong nakakakita ng mga batang nangangarap na hindi natutupad dahil sa kahirapan,” kuwento pa ni Sharon Cuneta.

Napakaraming kuwento ng Megastar na napakasarap ipagmalaki, may kakambal na ebidensiya ang kanyang mga istorya, kaya naman patuloy siyang pinagpapala.

KAMOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with