Kapuso stars na sina Kristoffer at Liezel nagkarelasyon sa lock-in?!
Nagpa-interview ang ex-girlfriend ni Kristoffer Martin na si Acel Banzon para ibahagi ang tungkol sa paghihiwalay nila ng aktor. Si Acel ang ina ng anak ni Kristoffer na inamin niya sa publiko kamakailan lang pagkatapos niyang sabihing wala na rin sila ni Acel.
Ang sabi ni Kristoffer noon, hindi lang daw talaga nag-work ang kanilang relasyon. Pero hindi naman daw niya pinababayaan ang kanyang obligasyon bilang ama sa kanilang anak
Sabi pa ni Acel, si Kristoffer daw ang nakipaghiwalay sa kanya dahil napagod na raw ito.
Nangyari raw ito pagkatapos ng lock-in taping ng aktor sa bagong drama series nitong Babawiin Ko Ang Lahat na magsisimula na sa Lunes, February 22.
Hindi niya eksaktong sinabi kung meron bang kasama sa seryeng iyun na naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay na si Kristoffer sa kanya. Pero iyun daw ang ipinagtaka niya bakit gusto nang tapusin ng aktor ang kanilang relasyon. Sinikap pa rin daw niyang ayusin at siya na ang naghabol kay Kristoffer alang-alang sa kanilang anak, pero hindi na ito naayos.
Ang latest ngayong nabalitaan namin ay nagkakamabutihan na raw sina Kristoffer at ang co-actor niya sa Babawiin… na si Liezel Lopez.
Si Liezel na nga kaya ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay na si Kristoffer sa ina ng kanyang anak?
Wala pa silang inaamin, pero iyun na ang usap-usapan ngayon dahil nabalitaan din naming nakipag-break na rin daw si Liezel sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Magandang aktres, anak ng maimpluwensiyang pulitiko ang karelasyon
Hindi lang sa ilang taga-showbiz pinag-uusapan ang bagong karelasyon ng isang magandang aktres na galing sa isang talent-reality search kundi pati na rin sa umpukan ng nasa politics.
Bigatin daw kasi itong bagong boyfriend ni magandang aktres dahil anak pala ito ng kilala at maimpluwensyang pulitiko.
Sabi nga ng ilang nakatsikahan ko sa showbiz, ang suwerte talaga nitong si magandang aktres, dahil matagal din ang relasyon niya noon sa anak ng isang napakayamang pamilya. Hindi lang namin alam kung bakit natapos na ang relasyon nila, at ang latest ay dito na siya sa anak ng maimpluwensyang pulitiko.
Pero tumataas ang kilay ng ilan dahil hindi sila naniniwalang magtatagal ang relasyong ito. Baka raw tikiman lang ang mangyari dahil kung kani-kanino rin kasi nali-link itong anak ng maimpluwensyang pulitiko.
Tingnan na lang natin kung magtatagal ang kanilang relasyon. Parang nagkakasundo kasi sila sa ilang bagay gaya nang pagkahilig nila sa banda. Ang cool lang nilang magdyowa kung sakali.
Chef JR, ‘di malimutan ang Master Chef Pinoy
Bilang isang probinsyano, gusto ko itong bagong cooking show na mapapanood sa GMA News TV simula sa Linggo, February 21.
Ang title niya ay Farm to Table na ihu-host ng isang dating band member at grand winner noon ng Master Chef Pinoy na si Chef JR Royol.
Bicolano si Chef JR pero may dugong Igorot at nagagamit niya ang mga lutong Igorot sa competition na ikina-impress ng mga judge. Ilan sa judges nung nanalo siya sa Master Chef Pinoy ay sina Kris Aquino at Mayor Richard Gomez na talagang na-impress sa lutong Bigorot niya na halong Bicolano at Igorot.
Dahil dun, lalo siyang nakilala sa culinary at naging executive chef sa iba’t ibang five-star hotels. “The Master Chef competition is one of the highlights of my career. Hindi ko talaga ‘yan maipagkakaila kasi that paved way to where I am now. I’ve had the privilege to learn under Chef Gonzales kahit ilang months lang po ako dun, I wasn’t able to finish my culinary grant sa kanila,” pakli niya sa nakaraang virtual mediacon ng Farm to Table.
Pero dahil dun, nag-represent siya ng Pilipinas sa mga ilang events sa ibang bansa na kung saan na-impress ang mga foreign dignitaries sa mga inihanda niya at sarap na sarap daw ang mga ito sa niluto niyang Ginisang Monggo na may bagnet.
Kaya dito sa kanyang show ay may mga pupuntahan silang lugar at kung ano ang nakikita nilang tanim o ingredients sa farm na iyun ay iyun ang kanyang lulutuin. “We let the ingredients show us what to cook. Hindi po kami pupunta sa isang farm na ito yung lulutuin natin.
“We basically base our dishes kung ano yung lulutuin namin on what’s available.
“I think that’s the more exciting approach in cooking na you’re not limiting yourself to the recipe but to what is available,” saad ni Chef JR Royol.
- Latest