^

PSN Showbiz

Magaling na singer, tinotodo ang gastos sa kanyang buhok

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masyadong mahalaga para sa isang kilalang female personality ang jacket na may hoody. Marami siyang koleksiyong ganu’n. Kapag may concert siya sa ibang bansa ay puro jacket na may hoody rin ang kanyang binibili.

‘Yun kasi ang “national uniform” niya kahit saan siya magpunta. Natatakot siyang mapagkaguluhan. Ayaw na ayaw niyang may makakilala sa kanya dahil sigurado raw na ima-mob na siya.

Isang dating nagtatrabaho sa network na pinagseserbisyuhan ng kilalang female performer ang may sangkatutak na baong kuwento tungkol sa bumibida sa kuwento.

Unang kuwento ng aming impormante, “Kailangang naka-hoody siya palagi. May dahilan naman ‘yun. Nu’ng sumikat kasi ang song na siya mismo ang nag-compose, kapag nagso-show siya sa mga probinsiya, e, palagi siyang nasasabunutan at nakukurot.

“Maraming beses ‘yun, kaya gumamit na siya ng jacket na may hoody, ayaw na niyang masaktan,” unang sultada ng source.

Pero may ibang dahilan pa kung bakit palaging naka-hoody ang impernes ay magaling namang female singer. Alam na alam ‘yun ng kanyang mga kakontemporaryo.

Patuloy na kuwento ng dating kasamahan sa network ng female singer, “Sobrang mahal na mahal niya ang hair niya. alagang-alaga niya ang buhok niya!

“Gumagastos talaga siya nang malaki sa pag-aalaga niya sa buhok niya. Saktan mo na siya sa ibang part ng body niya, huwag na huwag mo lang siyang sasabunutan, talagang magwawala siya! Ganu’n niya kamahal ang hair niya.

“Priority niya ang buhok niya. Bago siya sumalang sa stage, e, wala siyang pakialam sa make-up niya, ang buhok niya ang binubusisi niya talaga!

“Ayaw niya nu’ng may tikwas-tikwas siyang hair, kailangang plantsado ‘yun, pabagu-bago pa nga siya ng kulay ng buhok niya, di ba? Lahat na yata ng kulay sa color wheel, e, nagamit na niya!

“Kaya kapag lumalabas siya ng bahay, e, wala siyang ibang suot kundi jacket na may hoody! Walang iba, ‘yun lang! Ayaw niya talagang may gumagalaw sa hair niya!

“Yes! Siya lang dapat ang humahawak sa buhok niya, saka sa nagbo-blower kapag may show siya. Sila lang ang hawak-kamay sa pag-aayos ng hair niya!” natatawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Rita hindi kayang patandain

Paminsan-minsan lang naming makitang magalit si Rita Avila. Palagi lang siyang cool, nagbibigay ng magandang ngiti, bihirang-bihira siyang maapektuhan tungkol sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya.

Regular namin siyang natututukan sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin bilang si Belen, ang mapagmanipulang ina ni Iza Calzado na kalaban ni Jodi Sta. Maria, masarap pitikin sa ilong si Rita sa papel na ginagampanan niya.

Magaling na aktres si Rita Avila. Nagpapakulo siya ng dugo ng manonood kapag nagkokontrabida siya. ‘Yun ang senyal ng pagiging mahusay na artista.

Pero sa galing na ipinakikita niya sa serye ay isang basher ang nanakit sa kanya. Sa lahat daw ng artistang gumaganap ay siya ang kulelat. Umaangat lang daw ang role niya dahil ang direktor ay ang kanyang asawang si FM Reyes.

Du’n na nagbigay ng reaksiyon ang aktres. Pintasan na siya tungkol sa kahit anong paraan at matatanggap niya, huwag lang idamay ang kanyang asawa sa pagiging artista niya, du’n talaga siya bubuga.

Bulag siguro ang basher, hindi ito marunong magpahalaga sa effort na ibinibigay ng mga artista, kaya nito sinabing kulelat si Rita.

Kami mismo ay nabubuwisit kay Rita sa pagiging Belen sa istorya, napakaraming ginagawang gulo ng kanyang role sa kuwento, maging ang aming mga kaibigang tumututok ay kumbinsido sa ipinakikitang husay sa pagganap ni Rita.

‘Yun ba ang kulelat na acting na kailangan pang paa­ngatin lang ng kanyang asawang direktor? Epektibong aktres si Rita, kaya naiinis sa kanya ang manonood ay dahil nang-aagaw ng atensiyon ang salbahe niyang role, kabaligtaran ‘yun ng siya sa totoong buhay.

At hindi ang direktor ang sumusulat ng script para lumutang ang papel ni Rita, eksekusyon lang ng mga eksena ang tinututukan ng direktor, na sa totoo lang ay hindi na kailangan pang gamutin ng direktor dahil mahusay ang kanyang artista.

Kailangang magsuot ng salamin ang basher para makita nito kung gaano kagaling si Rita sa Ang Sa Iyo Ay Akin. Kumain na rin muna ang basher bago manoood dahil baka gutom lang ang kanyang nararamdaman.

Sa isang aspeto lang hindi nagtagumpay ang produksiyon, ang patandain ang itsura ni Rita Avila, kaya hindi sila mukhang magnanay kundi magkapatid lang ni Iza Calzado.

CONCERT

RITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with