Bawal ang pikon…
Alam mo, Salve, maraming nagtatanong kung okay lang ba ‘yung mga ginagawa nating blind items sa Take It… Per Minute Me Ganun, at kung minsan naisusulat din natin dito sa Pilipino Star NGAYON at Pang-Masa.
Sa akin, ‘pag alam ko na kaibigan ko at maiintindihan ang humor ko, binibiro ko at ginagawa ngang item. Like alam ko na kahit mainis man sina Lorna Tolentino, Ali Sotto at AiAi delas Alas, hindi sila magagalit nang husto dahil para na nila akong nanay.
Susumbatan ako, pero in the end pagtatawanan lang namin ang issues.
Love is never saying sorry, nor explain, basta hindi mo lalagyan ng malisya ‘yung alam mo na in good fun lang ginawa. Pero ‘pag hindi ko masyadong friend, iwas biro ako, dahil siyempre baka iba naman ang dating sa kanila, ayaw ko namang marami ang magalit sa akin sa edad na 74 na sa May.
Basta clean fun, go lang, ‘pag pikon, iwas-iwas din noh, mahirap na.
Mga kakandidato sa 2022, umaaktibo na
Ang daming nagpaparamdam sa susunod na election 2022. ‘Yung senatoriables nakapila na para sa bago at reelectionist. Bongga, tiyak na ‘pag presidential election mas active ang kampanya, mas marami ang iikot at nagpaparamdam sa mga botante.
Ako tulad ng dati, emotional voter, ‘yung basta kilala ko, naging acquaintance ko, mas malamang iyon ang isusulat ko sa balota ko. Hindi ako masyado sa plataporma o anumang promise nila, lahat naman iyon pare-pareho ang gustong gawin para sa bayan natin, pero hirap din silang i-implement.
At least ‘pag kilala ko, alam ko na talaga ‘yung gagawin niya, ‘pag nagkamali. Puwede mo pang pagsabihan dahil medyo kilala mo, saka talagang ipagdarasal mo na sana magtagumpay.
‘Yung totally stranger sa iyo, mahirap dahil ‘yung salita lang niya ang panghahawakan mo, eh halos lahat naman sila, iyon din ang sinasabi. Yes, we should vote wisely, pero madalas palpak din, so susundin ko na lang ang puso ko sa pagboto, baka sakaling tama pa ang pinili niya, ‘di bah!
- Latest