Paintings ni Joey de Leon habang 'quarantine' ie-exhibit next week
MANILA, Philippines — Iba't iba ang pinagkaabalahan ng mga Pilipino habang nasa bahay sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic — ang iba naging plantito, plantita o gamer, ang ilan ichinanell ang kanilang inner artist.
'Yan nga mismo ang pinagbuhusan ng oras ni Kapuso actor na si Joey de Leon habang libre ang oras labas sa pagho-host ng "Eat Bulaga" mula sa kanyang tirahan.
"Upstairs Gallery & Video Room FINALE ART FILE, February 11-March 5, 2021," pag-iimbita ng komedyante ngayong araw, Miyerkules.
Pinakamagatang "Joey de Leon: In the House! (Art... Work from Home)," laro ito sa katagang likhang-sining at "work from home" na siyang ginagawa ng mga empleyado sa gitna ng pandemya.
Agosto 2020 pa nang ipangako ni Joey ang exhibit ng kanyang mga gawa, bagay na gagawin lang daw niya "kapag nariyan na ang bakuna laban sa COVID-19."
Sakto, natataon ang unang roll-out ng vaccine ngayong buwan ng Pebrero.
Basahin: ‘Home Is Where The Art Is’
May kinalaman: Joey, araw-araw may bagong painting kay Jesus Christ!
Tampok sa kanyang mga likhang sining ang paglalaro sa elemento ng face masks, mga numero at ilang religious art work.
Gayunpaman, nariyan din ang ilang "nude" paintings na swak sa malikot na humor kung saan siya nakilala.
"To those asking kung for sale paintings ko, basta pag may vaccine na Pambansang Kamao, este, bakuna talaga, exhibit tayo!" sabi niya noong nakaraang taon.
"‘Di naman gustong sabihing some of you are slow, play on 'vaccine' lang dahil ka-sound ng BOXING ‘to!" — James Relativo
- Latest