^

PSN Showbiz

PSN at Take It... Best Newspaper at Best Digital Entertainment Talk Show, nagpasalamat sa GEMS

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
PSN at Take It... Best Newspaper at Best Digital Entertainment Talk Show, nagpasalamat sa GEMS

Aiai binuko ang tatlong beses na nangyari sa kanila ni Robin

Ang saya nang pag-usapan ang reaction ni AiAi delas Alas sa binuking ni Nay Lolit Solis sa Take It... Per Minute, Me Ganun episode last week na nagkatsugian sila once ni Robin Padilla sa isang table.

Dahil nga raw ang daming nag-text sa kanya (AiAi), pinanood ni AiAi ang nasabing episode ng Best Digital Entertainment Talk Show ng GEMS last week at kinorek kay Nay Cristy Fermin na hindi sila sa lamesa nagtsugian ni Robin kundi sa kotse. At hindi  raw once, kundi thrice ang naging kaligayahan nila ng actor na hanggang ngayon ay walang paramdam sa kanyang social media account matapos pumutok ang issue sa kanila ni Mocha Uson.

Tinanggi rin ni AiAi kay Nay Cristy na sinoplak siya ni Gabby Concepcion nang i-try niya itong i-seduce nang mag-abroad sila noon for a series of shows kasama si Nay Lolit.

Ayon sa text niya AiAi kay Nay Cristy, hindi siya tinanggihan ni Gabby, inurot daw siya ni Gabby dahil nilagyan nito ng brief ang luggage niya.

Pero ang sabi ni Nay Lolit, si Marco Sison ang witness noon na sinubukan niyang (AiAi) ‘tikman’ si Gabby pero tinanggihan diumano ito ng actor.

At kung tinanggihan daw noon ni Gabby si AiAi, hindi naman daw ito natanggihan ng isang singer/actress na kasama rin nila sa tour noon.

Mas senior kay Gabby sa nasabing actress na may anak na celebrity ngayon.

AiAi

Pero siyempre, maligaya na ang buhay ni AiAi ngayon sa piling ng mister niyang si Gerald Sibayan.

Hahaha. Grabe ang mga pa-throwback issue ni Nay Lolit sa TIPMMG tuwing Martes kaya sabog ang mga nanonood sa kanila ni Mr. Fu at kanya-kanya talaga ng hula ‘pag may blind item.

Anniversary month ng TIPMMG ang Feb­ruary kaya naman mas marami pang mga pasabog na chika at intriga ang mapapanood sa number one digital talk show sa Facebook page at YouTube Channel ng Pilipino Star NGAYON.

Suking-suki ng TIPMMG ang mga kababayan nating nasa abroad na naghahanap ng paglilibangan kaya sa mga hindi nakapanood ng episode kahapon, maki-team replay na.

Samantala, maraming salamat po ulit sa Guild of Educators, Mentors, and Students (GEMS) Hiyas ng Sining Awards sa pagkilala sa TIPMMG.

Bukod sa Best Digital Entertainment Talk Show, ang Pilipino Star NGAYON ang nagwaging Best Newspaper.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo ang PSN ng Best Newspaper sa GEMS.

Pero walang magaganap na seremonya ngayong taon.

“Batid naming walang pinipiling panahon at sitwasyon ang pagkilala at pagpupugay sa natatanging ambag ng mass media sa lipunan. Sa kabila ng umiiral na pandemya, hindi pa rin matatawaran ang inyong kontribusyon sa pagpapalawak at pagpapaangat ng propesyon,” ang bahagi ng sulat ng GEMS na pinamumunuan ni G. Norman Llaguno, Founder and President, na isang professor sa Laguna BelAir Science.

GEMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with