^

PSN Showbiz

Meg, magkahalong emosyon ang nararamdaman sa bagong pelikula

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Meg, magkahalong emosyon ang nararamdaman sa bagong pelikula
Meg

Mapapanood na simula ngayong Biyernes sa ilang piling sinehan ang pelikulang Sana All na pinagbibidahan nina Meg Imperial at Arvic Tan. Dapat ay Marso pa noong isang taon ipalalabas sa mga sinehan ang naturang proyekto pero naabutan na ng community qua­rantine dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ni Meg dahil matutunghayan na ng mga manonood ang bagong pelikula. “To be honest, kinabahan pa rin po ako kasi hindi pa talaga fully recovered ang lahat from the pandemic pero excited din at the same time na maipakita itong movie namin sa mga tao,” bungad ni Meg.

Nakaramdam umano nang pagkailang ang aktres nang gawin ang mga eksena nila ni Arvic. Matagal na raw kasing magkaibigan ang dalawa at hindi sanay si Meg na makasama ang binata sa trabaho. “Ang hirap po nung nagsisimula kami kasi magkaibigan po kami. So ‘pag nagkakatinginan kami ni Arvic natatawa ako bigla. Magkaibigan tapos nagkatrabaho kayo as love team, gano’n po talaga struggle do’n. Kahit ano pong tingin ko kay Arvic natatawa talaga ako. We get to bond as love team and pinag-uusapan naman namin and our director helped us also na maipakita namin ‘yung chemistry together,” kuwento niya.

Umaasa si Meg na makapagbibigay ng saya para sa mga manonood ang Sana All. “Sana this film will give them entertainment sa mga ganitong panahon na kailangan natin malibang para malayo naman tayo sa mga negative na nangyayari sa atin ngayon. Sana itong movie na ito ay mapasaya sila at makapagbigay din ng hope and some positivity while going thru hardship during pandemic,” pagtatapos ng dalaga.

Cristina, handa sa May-December love affair

Nagbabalik na sa pagiging artista si Cristina Gonzalez o mas kilala sa tawag na Kring-Kring. Kamakailan ay pumir­ma na ng kontrata ang aktres sa Viva Artists Agency. Iniwan ni Kring-Kring ang show business nang mag-asawa at nagkaroon ng sari­ling pamilya. Siyam na taong nagsilbi bilang konsehal at tatlong taon namang naging mayor ang actress-politician sa Tacloban City. “Nasubukan ko na ang lahat. After showbiz nag-business ako, then I joined politics. Now that I’m based in Manila, I just want to keep myself busy and happy,” pagbabahagi ni Cristina.

Aminado ang actress-politician na hinahanap-hanap na rin niya ang pag-arte sa harap ng kamera ngayon. “It has been so long since I got married. Ilang years na rin na nawala ako sa show business, which is really my first love. Kinagisnan ko na ang showbiz since I was a child, with my dad. I want to do something that makes me happy. I’m 50 (years old), at my age now I don’t think Viva will offer me the same roles that I did before. I think they will offer me something that’s age-appropriate din. I would like to do comedy. Okay lang naman din ako to play mother roles to beautiful young stars. At my age, who will offer me to do kissing scene. I don’t think bagay pa ‘yon to women actress my age. Hindi naman siguro ‘yan ang linya ko. I miss the fun in showbiz. Politics is too serious,” pahayag niya.

Bukas din sa posibilidad si Kring-Kring na makapagbida sa isang proyektong May-December love affair ang tema. “If the role is nice, kung maganda talaga, that sounds like a good idea. There are a lot of good-looking young actors and beautiful actresses around. I’m doing this all for fun. I don’t have big expectations. I’m busy with my business. So I’ll just balance it out. I want to be happy and I want to do things that make me happy, have fun and just enjoy,” paliwanag ng aktres.

(Reports from JCC)

MEG IMPERIAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with