Xian at Kim, malabo pang ikasal, aktor may trauma pa sa mga magnanakaw
Parang matagal pa ang hihintayin ni Kim Chiu para makapagsuot ng wedding gown at maging misis.
Aminado si Xian Lim na wala pa sa plano nilang magkarelasyon ang kasal.
As in hindi pa raw nila ito napag-uusapan ni Kim.
Nauna na ring sinabi ni Xian na hindi siya favor sa live in so meaning malabo silang mag-live in ni Kim.
Hmmm, sa kasal nga kaya hahantong ang relasyon nila ni Kim?
Magkasamang nag-Boracay sina Xian and family ni Kim before New Year kung saan nagpasalamat pa si Kim kay Xian. “Appreciation post to this guy right here!?. thank you for making this trip possible, plus thank you for keeping up with the CHIUs!!!! kahit isang barangay kami. Haha you know how much this mean to me seeing my fam happy! you’re the best mr thank you!” ang post ni Kim weeks ago na obviously ay masaya ito sa ginagawa ng actor para sa pamilya niya.
Anyway, aminado rin si Xian na may trauma pa rin siya hanggang ngayon matapos pasukin ang kanilang bahay ng mga magnanakaw early this month.
At ang bilin niya, mag-ingat ngayong mga panahong ito.
Anyway, bida si Xian sa digital series na Parang Kayo Pero Hindi kasama sina Marco Gumabao and Kylie Verzosa mula sa direksyon ni RC Delos Reyes, direktor ng Love the Way U Lie and Alter Me.
Hango ito sa bestselling book ni Noreen Capili a.k.a. Noringai, na siya ring writer ng series na ito.
Kasama ng main cast para sa kauna-unahang Vivamax Original Series sina Phoebe Walker, Danita Paner, Francine Garcia, Gino Roque, Guji Lorenzana, CJ Jaravata at si Ms. Yayo Aguila.
- Latest