^

PSN Showbiz

Beteranang aktres, may allergy sa parlor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ang pinakaayaw palang gawin ng isang pamosong babaeng persona­lidad ay ang pagsadya sa parlor. Kinatatamaran niya ang pagpapaayos.

Sa mga pagkakataong kailangan niya talagang magpunta sa parlor para magpaayos sa mga okasyong espesyal ay nag-iinit agad ang kanyang ulo.

Hindi siya mapakali, gusto na niyang hilahin ang oras para matapos na siya agad, hindi siya kumportable. Kinaiinipan niya ang pagpapa-make-up, ang pagpapaayos ng buhok, lahat ay hindi niya gusto.

Kuwento ng aming source, “Sobra siguro siyang nagsawa nu’ng kasagsagan ng career niya na araw-araw siyang nagpapaayos, kailangang palagi siyang naka-make-up, dahil meron siyang show, interview, pictorial at kung anu-ano pang kompromiso.

“Kapag ganu’n nga naman, e, sisigaw ka na ng break! Tama na muna. Sawang-sawa ka na kasi sa routine ng buhay mo!” unang pag-alala ng aming impormante tungkol sa pamosong female persona­lity.

Nandito pa rin siya, humaharap pa rin sa mga camera at maraming trabaho, pero talagang iwas na iwas na siya sa pagpunta sa parlor.

“Napakasimple lang ng gusto niya. hindi siya nagpapa-pedicure-manicure. Siya lang ang gumugupit ng mga kuko niya kapag kailangan na! Meron lang siyang nailcutter, e, okey na sa kanya!

“Sa taping, e, hindi niya talaga maiiwasan ang pagpapa-make-up, kailangan ‘yun, kaya wala siyang maidahilan. Pero habang ginagawa siya, e, alumpihit ang female personality, alam mong inip na inip na siya sa pagharap sa salamin!

“Puro ‘okey na, tama na,’ ang maririnig mula sa kanya. Wala siyang pakialam kung meron man siyang eyebags, kung nahahalata man ang age niya, wala siyang keber du’n!

“Gustung-gusto pa naman siyang gawin ng mga make-up artist dahil malaking karangalan ‘yun para sa kanila, pero ayaw na ng female personality, tamad na tamad na siya!

“Kapag tatanggap siya ng award, e, kailangan niyang paghandaan ‘yun, kailangan niyang magpa-parlor, saka magpatahi ng gown para sa awards night, di ba?

“Naku, kinatatamaran niya ‘yun, kaya nakikita siyang hindi gaanong nakaayos, lumang damit ang suot niya, para pa nga siyang cowboy kung minsan dahil naka-boots siya, pantalon at lumang jacket lang na ilandaang beses na niyang nagamit!

“Bakit ba, e, kung sa du’n siya kumportable, di ba? Kesa naman sa naka-gown nga siya, pero parang ginagapangan naman ng langgam ang buong katawan niya dahil nangangati siya!

“Ayaw ng ate natin sa ganu’n, mas simple lang, mas gusto niya, dahil du’n siya maligaya!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Vice binanatan sa panlalait noon sa TV5

Kapatid na nga ang mga Kapamilya ngayon. ‘Yun ang malakas na sigaw ngayon ng mga personalidad ng ABS-CBN dahil napapanood na rin sila ngayon sa TV5!

Napakasaya ng ASAP Natin ‘To! nu’ng Linggo nang tanghali, espesyal ang kanilang palabas, ilampung beses nilang sinasabi sa himpapawid na mga Kapatid na rin sila dahil sa kolaborasyon ng ABS-CBN at TV5.

Pero gaano man kasaya ang kanilang unang sultada sa TV5 ay hindi maiiwasan ang pagpuna ng ating mga kababayan sa mga artista ng Dos.

Si Vice Ganda ang natutukan ng mga bashers, siya kasi ang maraming pautang na salita laban sa TV5 nu’n, kaya tinawag siyang plastikada at napakakapal ng apog sa pagsigaw na Kapatid na rin daw siya ngayon.

Sa paglawak ng sakop ng teknolohiya ay binalikan ng mga netizens kung paano minamaliit nu’n ng komedyante ang TV5. Ang salitang ayaw na ayaw niyang binabanggit ang isinisigaw na niya ngayon.

Hindi natin masisisi ang nangne­nega ngayon kay Vice Ganda, siya ang humingi nu’n, ang malabiga niyang dila na walang kontrol ang dahilan kung bakit sinasabihan siyang makapal ang mukha.

Ang mga personalidad ng ABS-CBN ang mas pinaboran ng pagsasanib-puwer­sa ng dalawang istasyon. Sila ang nangangailangan ng free TV, dahil napapanood lang ang kanilang show sa A2Z na pang-Mega Manila lang, napapanood man sila sa Channel 22 ay kailangang may Cignal cable ang manonood.

Maganda ang senaryong ito, milyun-milyong kababayan natin ang nabiyayaan ng kolaborasyon ng ABS-CBN at TV5, pero maraming personalidad ng Dos ang kumain ng sukang iniluwa nila nu’n kontra sa TV5.

Nangunguna sa listahan si Vice Ganda na buong-ningning pang nagsabi nu’n sa kanyang programang GGV na wala namang nanonood sa TV5.

Nasaan na siya ngayon? Dumura siya sa langit pero sa ulo niya bumagsak. Nilait-lait niya ang TV5 pero ang minamaliit-minemenos na istasyon pa pala ang magsisilbing salbabidang may hangin sa kanilang pagkalunod.

Huwag kasing nagsusunog ng tulay para meron pang matatawiran.

PARLOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with