Mr. M ‘di pa ‘tapos’ sa SNL
Aww sunud-sunod ang interview ni Mr. Johnny Manahan tungkol sa pagkaka-tsugi ng Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5.
In a nutshell, ramdam ang sama ng loob niya dahil sa biglaang pagsibak sa binuo niyang programa for Brightlight Productions na pag-aari ni former Cong. Albee Benitez kung saan naging poste sina Piolo Pascual, Maja Salvador and former Miss Universe Catriona Gray. Lumalabas na hindi natupad ang mga sinabi ni Mr. Benitez na six months commitment sa kanila.
Walang official statement ang Brighlight tungkol dito pero diumano’y malaki na ang lugi ng kumpanya kaya tinapos na ito kasama ang dalawa pang programa na umere sa TV5. Papalitan ang SNL ng ASAP beginning today.
Pero maraming gulat na nagsasalita si Mr. M ng against Brighlight / Mr. Albee na diumano’y wala itong alam sa negosyo.
Comment ng ibang nakabasa sa kanyang interview, bakit parang nag-iba raw si Mr. M. Hindi naman daw ito dating madalas magpa-interview.
Saka sana raw ‘di ba dapat maging grateful na lang sila dahil may isang newbie producer na sa gitna ng pandemic at kawalan ng franchise ng ABS-CBN ay sumugal kaya nagkaroon sila ng work kahit three months lang.
True naman, sa panahon ngayon, maging thankful na lang sana ang lahat lalo na ngayong parang taon pa ang hihintayin bago makabalik sa normal ang lahat dahil sa pandemya.
Officially retired na si Mr. M sa ABS-CBN nang tanggapin niya ang trabaho sa Brighlight.
Ahhh masalimuot na ang mga pangyayari, pero sana maayos nila ito dahil at the end of the day, si Mr. Benitez naman ang nalugi at hindi sila.
- Latest