Danilo Barrios, mas lumaki pa ang negosyo
May mga artista talagang napaghandaan ang future at kasama rito ang former Streetboys member na si Danilo Barrios.
Habang ang iba ay hindi nakapag-ipon, masuwerte si Danilo dahil lalo pa raw lumakas ang kanyang negosyo ngayong may pandemya.
“God is good kasi lalong lumakas ‘yung business. Tumaas po ang sales natin kasi ang gluta softgels ng Tatio Active talagang maganda sa immune system, high dose ang vitamins niyan. Kaya mas tumaas ang demand ng tao. Ang resellers and new clients umangat ang bilang. Nag-open din kasi ito ng opportunities to work from home,” umpisa ni Danilo sa isang interview.
Bukod sa pagtututok sa negosyo, nagbalik-eskuwela rin siya last year. “Ah short course in Culinary Arts to make healthier food for my kids and the family. Syempre ‘pag nagkakaedad tayo we need to stay fit and healthy para mas marami tayong magawa and mai-share sa iba and sa family,” paliwanag niya kung saan sila nag-celebrate ng Holidays sa Tarlac.
Meron silang three kids ng wife niya kasama na ang bagong baby boy. “Talagang blessing kasi naging safe ang delivery ni Regina, my wife.”
At ang plano nila, two kids pa para sa mas malaking pamilya. “Sila talaga ang kaligayahan ko ngayon. Ang makita silang masaya at healthy ‘yun ang bumubuo ng araw ko.”
Handa ba siyang bumalik sa showbiz sakaling may magandang offer? “May mga offer naman po pero talagang ang focus ko ngayon ang mga bata kasi nasa growing years sila. Ito ‘yung molding years na mas kailangan nila ako. Ang showbiz naman andyan lang pero ang makita ang mga bata at nagagabayan ko sila, yun ang priority namin ni Regina ngayon.”
Pangarap ng mag-asawa na maturuang magnegosyo ang mga anak like ‘yung eldest niya ay may make-up business na galing daw ng Korea.
‘Yung isa naman niyang anak na lalaki ay luxury items ang binebenta online at ang wife niya bukod sa glutha softgels ay may diamond business.
Kaya naman, bilang pasasalamat sa maraming blessings hindi nila nakakalimutang mag-share.
“Yearly naman nagsi-share kami ng blessing sa mga kababayan natin. Pero last year Dec. 10 to 14 we made sure na talagang ibuhos ang tulong sa ating kababayan sa Isabella and Cagayan Valley. Lahat ng family namin and staff nagtulung-tulong magbalot ng relief goods at nakabuo kami ng 10,000 reliefs para ibahagi sa ating mga kababayan doon. Napakasarap sa pakiramdam ang maiabot ang tulong sa kanila lalo na sa mga bata,” sabi pa ni Danilo na hindi naman daw niya gustong ipagmalaki pero napa-proud siya sa ginawa nila.
Just wow. Ang katulad ni Danilo ang dapat na i-look up ng mga artistang inuuna ang luho at arte sa katawan. Kaya nang magkaroon ng health crisis at mawalan ng trabaho sa showbiz, nagsisi.
My 2 Mommies, no. 1
Kahit maraming magandang palabas sa Netflix ngayon, no. 1 sa Top 10 in the Philippines ang My 2 Mommies starring Maricel Soriano, Solenn Heussaff and Paolo Ballesteros.
Pinalabas ito sa mga sinehan noong 2018 though kumita pero hindi super box office.
Ang Tatay Kong Nanay ang peg ng movie na nagkaanak ang isang bading nang hindi niya alam sa kanyang ex.
Bukod sa My 2 Mommies, nasa Top 10 din ang dalawa pang Regal movies na Unli Life and Hopeful Romantic.
Kinakabog ngayon ng movie nila Paolo ang Bridgerton na sobrang kinalolokohan din ng mga Pinoy.
Richard Yap, ipapakita ang bahay
Makakasama ng Legaspi family ang newest Kapuso actor na si Richard Yap ngayong Sabado (January 23) sa Sarap, ‘Di Ba?
Alamin ang favorite hobbies at “me time” activities nina Carmina Villarroel, Casy, Mavy, at Zoren Legaspi sa kanilang tahanan.
Ipapasyal naman ni Richard ang Kapuso viewers sa kanyang bahay at ibabahagi rin niya ang ilan sa kanyang hobbies.
Bukod sa masayang chikahan, ‘wag din palalampasin ang 5K Giveaway treat para sa happy peeps ngayong Sabado 10 a.m., sa GMA 7!
- Latest