^

PSN Showbiz

Stepdaughter ni Dennis da Silva, binunyag na hindi ni-rape noon ng dating aktor

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Stepdaughter ni Dennis da Silva, binunyag na hindi ni-rape noon ng dating aktor
Dennis da Silva

Hindi dahil sa umamin na si Kadean dela Paz, sa isang radio interview na hindi totoong siya ay ni-rape ng dating matinee idol na si Dennis da Silva, at siya ay pinilit lamang ng isang kapatid para magsampa ng demanda, ganoon din daw ang ilang tauhan noon ng DSWD, ay mababaliktad agad ang hatol ng hukuman na si Dennis ay makulong nang habambuhay, at pagbayarin pa ng mahigit na apat na milyong piso na sinasabing biktima niya.

Ang kaso namang iyon ni Dennis ay nakaapela pa, kaya nga wala pa siya sa Munti at nananatili sa regional jail sa Bicutan, nang huli namin siyang makausap. Doon sa demanda, kasangkot din ang dati niyang live in partner na si Marilyn dela Paz, na ina ng noon ay 14-anyos lang na si Kadean, pero namatay iyon bago nagkaroon ng hatol sa kanilang kaso.

Sumulat na raw si Kadean kay Dennis na humihingi ng tawad, at sinabing gusto niyang mapawalang sala ang dating matinee idol na nakulong na ng 20 taon dahil sa kasong iyon.

Pero hindi ganoon kasimple ang proseso niyan. Ilalaban pa rin iyan ng iba sa kabila ng pag-amin ni Kadean, dahil kung sakali, ang lahat ng taong involved ay maaaring balikan ng kaso ni Dennis. Bukod pa iyan sa katotohanang pati si Kadean ay maaa­ring managot sa kasong perjury.

Magkakaroon pa ng review ng naging hatol ng hukuman kung sakali. Ang hindi namin malaman, noon ay sinasabing nabuntis ni Dennis ang kanyang daughter-in-law. Hindi nababanggit kung nakapanganak nga ba iyon at kung nasaan na ang bata.

Marami pang usapin iyan, at magtatagal pa nga si Dennis sa kanyang kinalalagyan na siguro masasabi ngang unfair sa kanya lalo na ngayon at umamin na ang complainant na hindi totoo ang bintang na panggagahasa.

Matagal naming kaibigan hindi lang si Dennis kundi ang kanyang pamil­ya. Halos naging barkada namin noon ang father niya, noong maging artista pa siya ng Viva, dahil madalas namin silang nakakasama noon. Noon, uso pa na ang artista ay dadayuhin mo sa shooting para ma-interview. Mabait na bata naman si Dennis parang naging misguided nga lang noong mawala ang erpat niya.

Rachelle Ann, handa na sa panganganak

Eight weeks na lang, manganganak na ang singer-acctres na si Rachelle Ann Go. Kasalukuyang sa London sila nakatira ng mister niyang si Martin Spies.

Kung masusunod ang batas ng Kano, magiging American citizen ang anak ni Rachelle. Kung batas naman ng Pinoy, maaaring mamili ang bata ng kanyang citizenship dahil Pinay si Rachelle at Kano naman si Martin. Maaari rin siyang maging dual citizen para mas maging malawak ang opportunities niya. 

Online gay scammer, marami ang nabibiktima

Magsilbi rin sana itong isang warning. May isang lalaking sinasabing na­ging biktima raw ng isang gay scammer sa internet. Ang ginagawa ng gay scammer ay kinukumbinsi niya ang mga kabataang lalaking may hitsura na gumawa ng malalaswang video kapalit ng malaking bayad. Pero scammer nga siya. Hindi siya nagbabayad at ipagkakalat pa niya ang mahahalay na video ng mga nabiktima niya.

Pero may bagong raket. May gumawa ng account sa social media na ang ginamit ay pangalan at picture noong pinakanag-viral na biktima ng scammer, at siya namang nanloloko ng mga tao.

Magkukuwento muna siya kung papaano siya naloko at nasira ang buhay, at kung natantiya niyang naaawa ka na ay uutang siya ng pera. Matapos mo siyang mapautang, siyempre mawawala na siya. Tapos magde-deny na at sasabihing fake daw ang account ng nanloloko sa mga tao at poser lang niya iyon. May nagsasabi namang siya rin talaga iyon at siya ay scammer din naman.

DENNIS DA SILVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with