^

PSN Showbiz

BGYO handa nang sumabak sa international stage

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BGYO handa nang sumabak sa international stage

Speaking of Direk Lauren, handang-handa nang makipagsabayan sa iba’t-ibang P-Pop boy groups ngayong 2021 ang BGYO o naunang nakilala bilang SHA Boys.

Sa isang interview, sinabi ni Lauren, ang head ng Star Hunt Management, na isa mga plano nila ang pasukin ang idol industry.

Sinimulan ng Star Hunt ang pagbuo ng boy group noong 2018. Matapos ang dalawang taon at matinding training malayo sa kanilang mga pamilya, handa na sina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate na ipakita ang kanilang husay sa pag-awit at pagsasayaw sa international stage.

Unang napanood ang lima sa ASAP kung saan inawit nila ang On ng kilalang K-Pop group na BTS. Umani ang grupo ng papuri mula sa mano­nood at iba pang artist dahil sa kanilang galing.

“Noong nakita ko silang nagperform sa ASAP, sinabi ko sa sarili ko, ‘Sulit yung hirap. Hindi pwedeng hindi mo suportahan ang mga batang ito.  Maiisip mo kung gaano pa sila gagaling sa susuod na dalawa o tatlong taon,” sabi pa ni Lauren sa isang panayam.

Tumabo naman ng halos 2-million views, 75,000 reactions, at 3,300 comments ang performance nila sa It’s Showtime wala pang isang araw mula nang ito ay ipinost sa social media.

Bukod dito, nakita rin sila sa PBB Connect Opening Night, KTX Pre-show: P-Pop Rise, at ang huling Christmas Special.

Kahit naman hindi sila napapanood sa tele­bisyon, trending at pinag-uusapan linggu-linggo ng netizens ang BGYO.

Handa nang ilunsad ng BGYO ang una nilang single ngayong buwan sa isang malaking online event sa KTX.ph.

DIREK LAUREN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with