PMPC, namili ng bagong opisyales
Naghalal ng mga bagong opisyales ang Philippine Movie Press Club (PMPC). Naganap ang kanilang eleksyon noong January 8, sa mismong opisina ng club sa QC.
Ang kapwa entertainment editor ng Abante Tonite na si Roldan Castro ang 2021 PMPC President. Ito ang pangatlong beses niyang panalo. Una siyang naging presidente noong 2009 at nasundan ito noong 2012.
Bukod kay Roldan, ang mga bagong officer ng PMPC ay kinabibilangan nina Fernan de Guzman bilang Vice President, Mell Navarro – secretary at Mildred Bacud – assistant secretary.
Si Boy Romero pa rin ang treasurer ng club habang assistant treasurer naman si Lourdes Fabian. Si John Fontanilla ang auditor at nahalal namang PRO sina Rodel Fernando at Leony Garcia.
Ang board of directors ay binubuo naman nina Sandy Mariano, Joe Barrameda, Eric Borromeo, Timmy Basil, Rommel Placente at Francis Simeon
Congratulations, mga kapatid.
- Latest