^

PSN Showbiz

PNP kinontra pang maraming artista

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
PNP kinontra pang maraming artista
John Lapus

Nagiging biruan ngayon sa buong show business ang sinasabing “ang mga bakla basta nalasing nagiging lalaki rin iyan.”

Tinutulan iyan ng komedyante at director na rin si John Lapus, at sa kanyang post ay sinabi niyang “hindi nagiging lalaki ang bakla kung ­lasing. Nagiging diyosa iyong iba.”

Tila nagtatanong naman si Barbie Imperial na nagsabi pang “bakit iyong mga kaibigan ko, nagiging SexBomb girls at may kanya-kanya pang SexBomb names.”

Iba naman ang comment ng komed­yante rin at singer na si K Brosas. Sabi niya, “hoy ilang beses na akong nalalasing na kasama ng mga beki. Ilang beses na rin kami nag-spin the bottle. Ayaw talaga nila akong i-kiss.”

Ilan na lang iyan sa mga comment sa social media na dinadaan na lang sa tawa ang sinabi ng PNP na “ang mga bakla basta nalasing nagiging lalaki rin ang mga iyan,” kaugnay ng bintang na rape sa mga baklang nakasama ng flight attendant na si Christine Dacera bago siya namatay noong New Year.

Nagkaroon ng suspetsa ang pulisya na baka may kaso ng rape dahil sa nakita nilang gasgas sa hita at tuhod ni Christine. Ganoon pa man, sa mismong crime lab ng PNP nanggaling ang report na wala namang nakitang ebidensiya ng rape, dahil kahit na may “abrasions in the 3 o’clock, 6 o’clock and 9 o’clock position, they have been healed,” na ang ibig sabihin nangyari iyon dahil sa isang mas naunang pangyayari at hindi siya na-rape noong gabing bago siya namatay.

Ganoon pa man, sinasabi ni PNP Chief Debold Sinas na may iba pa silang ebidensiyang hindi inilalabas na magpapatunay na nagkaroon ng rape. Pero dahil sa hindi nga nila inilabas iyon, iniutos ng piskalya na palayain maging ang tatlong suspect na naka-detine sa Makati Police “dahil sa kakulangan ng ebidensiya laban sa kanila.”

Sinabi ng piskalya na magkakaroon pa ng preliminary hearing at saka titingnan kung may sapat ngang ebidensiya para ang mga kabigan ni Christine na lahat ay bading, ay mapanagot nga sa kasong homicide with rape na isinampa laban sa kanila ng pulisya.

In the meantime, ang usapan sa showbiz ay kung nagiging lalaki nga ba ang mga bading basta nalasing.

Janella, normal na ang galaw

Talagang ngayon ay masasabi ngang very proud mother si Janella Salvador. Sinasabi niyang ang kanyang anak na si Jude Trevor ay “the best gift that I have received.”

Ilang buwan din kasing kinimkim ni Janella ang katotohanan sa kanyang kalooban. Sinasabi nga niyang kahit na gusto niyang ipagsigawang nanay na siya nang isilang niya si Jude, hindi niya magawa dahil naghihintay pa nga sila ng magandang timing. May nagsasabi pa nga raw na baka maapektuhan ng nangyari ang kanyang career, pero sa ngayon,sinasabi ni Janella na mas mahalaga ang kanyang anak kaysa sa kanyang career. Ganoon din naman ang feeling ng ama ng bata na si Markus Paterson.

Pero ang kanilang talent management company, ang Star Magic ay nakasuporta naman sa kanilang dalawa.

Ngayon, ine-enjoy pa nila ang buhay nila sa UK, at sinasabing pagkatapos ng pandemya ay iuuwi rin nila sa Pilipinas si Jude.

Mga bida sa bading serye hindi makakuha ng kliyente

“Kahit na 10K na lang tito, ok na ako roon,” sabi ng isang male star sa mga bading serye sa isang kilalang pimp. Kasi nga maliit lang naman ang bayad sa kanila sa mga bading serye dahil maliit lang din naman ang kita noon dahil napapanood nga lang sa internet. Pero dahil ang tingin nga ng mga tao sa kanila ay artista rin, kailangan nilang sundin ang high standards of living. Kaya ang ending panay ang sideline nila.

“Pero mahirap namang mai-book ang mga star ng bading serye, kasi alam naman ng mga bading na karamihan sa kanila totoong bading din at hindi tunay na lalaki. Dito sa atin, hindi magbabayad ang bading sa kapwa niya bading din,” sabi ng showbiz pimp.

 

 

JOHN LAPUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with