^

PSN Showbiz

Frankie nag-sorry, Ogie naging sampol ‘pag nakakainom ang bakla

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Frankie nag-sorry, Ogie naging sampol �pag nakakainom ang bakla
Frankie

Nagbigay ng opinyon ang kaibigan / talent manager / TV and radio personality na si Ogie Diaz sa mainit na issue tungkol kay Christine Dacera na mga bakla ang kasama nang matagpuang bangkay ang katawan sa isang hotel matapos ang party last New Year.

Lahat ng mga ito ay tumanggi na sa mga naunang akusasyon sa kanila.

Isang gay si Ogie pero kilalang may asawa at mga anak :

“Bakit ako ang ginagawang sampol sa “Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din”?

“Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing.

“Pero totoo sa akin ‘yung when it comes to intimacy kineso eh para din akong straight barako. Pero after cumming to town, titikwas na naman ang mga daliri ko.

“Saka sa mga kapulisan natin, husayan na lang po natin ang imbestigasyon. Hanapin na lang po natin ang katotohanan at tulungan nyo na lang po ang pamilya ng biktima at mga sangkot na makamit ang hustisya sa maintrigang pagkamatay ng flight attendant.

“Bumabagsak na po ang morale ng mga kapulisan dahil sa maling opinyon at baluktot na katapangan ng ilan.

“Dapat ‘pag pulis ang pinag-uusapan, kasunod ng deskripsyon diyan ay proteksyon at seguridad — hindi takot at pangamba.

“Pwede naman nating iangat ang dignidad at integridad ng kapulisan eh. Pero nagsisimula yan sa kanilang hanay, pupuri lang kami kung may kapuri-puri.

“Teka. Ba’t napunta na sa pulis ang usapan? So ‘yun nga, mahusay din po ako in bed, charot,” ang buong post ni Ogie.

Ang init kasi ng usapin ngayon tungkol kay Christine Dacera.

Naganap ang ‘di inaasahang pangyayari nang magkaroon sila ng party with her friends na lahat diumano ay gay.

Though may CCTV na lumutang na nakikipag-lips to lips ang isa sa kasama niya pero ang flight attendant daw ang nag-initiate noon base sa statement ng isang kaibigan niyang nasa party at ka-kissing niya nga na si Valentine Rosales na alam sa circle of friends nila na isang gay.

“3. MY FRIENDS AND I KNOW HOW WILD Tin CAN BE WHEN SHE’S DRUNK.

“4. When i said BES ANO KA BA? after kissing. “Ako ang hinalikan excuse me

“#StopVictimBlaming,” ang bahagi ng post ni Valentine.

Nauna nang nag-sorry si Frankie Pangilinan nang mag-comment siya sa unang lumabas ang findings na rape slay ang naganap sa flight attendant. “i will withhold opinions until further, accurate information is dispersed, but i would like to apologize for the initial impassioned tweets here below :((( all my other sentiments, however, remain true — respect is better than protection, and rape is and always will be terrible” tweet ni Frankie.

vuukle comment

FRANKIE

OGIE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with