^

PSN Showbiz

Fans, ang gulo ng utak

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

‘Katawa talaga ang ba­shing kay AiAi de las Alas, dahil sa nagalit ang fans ng Blackpink.

Kung minsan hindi mo malalaman kung bakit masyadong seryoso ang outlook sa buhay ng fans para hindi matanggap ang jokes regarding their idols.

Naalala ko nang i-bash nila si Alden Richards, dahil lang sinabi nito na crush niya si Lisa Manoban na isang popstar ng Korea. Nalimutan nila na top matinee idol ng Pilipinas si Alden na sikat din at isa ngang karangalan na sabihing crush nito ang idol nila.

Now, ginamit ni AiAi sa kanyang comedy act ang kanta ng idol nila, ‘di ba patunay na sikat sila para gamitin ni AiAi na isa ring malaking pangalan dito sa Pilipinas?

Hindi ba dapat natutuwa ka ‘pag nagagamit ang gawa ng idol mo? Kailangan talagang lawakan ng iba ang kanilang utak sa mga ganitong bagay.

Imitation is the best proof that you are good, so matuwa at huwag magalit ‘pag ginagaya noh! 

KC, ‘di natiis si Sharon

Happy days for Sharon Cuneta after mag-join sa Noche Buena nila si KC Concepcion. Big event para sa followers ng mag-ina na makita na in the best of terms ang mag-nanay.

Patunay lang na kahit ano pa ang maganap, ang nanay ay mananatiling nanay, at laging ang anak ang dapat magpakita ng pagsuko.

There is no pride between mother and daughter, there is only love and respect. Konting tampuhan, pero deep inside ang pagmamahal ay hindi puwedeng mawala.

Sina Sharon at KC ang patunay na love conquers all tampo, all intriga, everything, dahil magkadugtong ang puso nila, pareho ang dugo na tumatakbo sa kanilang ugat.­

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with