^

PSN Showbiz

Baby nina Assunta at Jules, naka-private plane nang iuwi sa Negros

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Baby nina Assunta at Jules, naka-private plane nang iuwi sa Negros
Assunta
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, nang sabihan si Assunta de Rossi na puwede na niyang ibiyahe pauwi ng City of San Carlos, Negros Occidental ang anak nila ni Jules Ledesma, si Baby Fiore, kapag two months old na ito, natuwa ang aktres.

Eh, noong December 23 kasi nag-two months si Baby Fiore, kaya bago pa dumating ang araw na ‘yon ay plinano na nila ang pag-uwi sa lugar nila.

Last Wednesday nga, kasama ang dalawang anak ni Jules (na parang mga tunay na rin na anak ang turing niya), plus isang kasambahay nila, lumipad nga sila ni Baby Fiore pauwi sa San Carlos City.

Nag-private airplane sila (Air Taxi Philippines) at behaved naman daw si Baby Fiore the whole flight dahil tulog lang ito. “Tulog siya the whole time, kaya walang problema,” sey ni Assunta nang maka-WhatsApp message ko siya.

Si Jules ay nauna nang umuwi ng San Carlos noong Tuesday sakay din ng private plane at kasama naman ang ilang mga tauhan nito.

Masaya nga sila dahil doon sila makakapag-Christmas at New Year. Eh, sanay kasi sila na palaging umuuwi roon. “Mas masaya lang ngayon dahil may Baby Fiore na kami!” sey ni Assunta.

Alam mo, Ateng Salve, two years ago, nakasama na rin ako sa kanila sa San Carlos at talaga namang masaya sa lugar na ‘yon kapag ganitong Christmas season.

Type na type ko ‘yung ancestral house ng pa­milya ni Jules at marami ring mapapasyalan sa lugar nila.

Anyway, sa tsikahan pa rin namin ni Assunta ay napag-usapan namin na medyo matatagalan pa ang pagbabalik-showbiz niya dahil tutok siya kay Baby Fiore.

Pero hindi nga niya tuluyang iiwanan ang showbiz at kung may project na hindi matanggihan ay gagawa at gagawa pa rin naman siya ng pelikula o TV show.

Nice! ‘Yun na!

Pamilya Gutierrez, naiba ang Pasko

Merry, Merry Christmas! Yes, tuloy na tuloy talaga ang Pasko, ‘di ba, ­Ateng Salve?!

Si Ruffa Gutierrez noong ka-WhatsApp message ko last Wednesday, abalang-abala pa rin sa paggi-gift wrap ng kanyang ipamimigay na regalo.

Type na type kasi ni Ruffa na siya mismo ang naggi-gift wrap ng mga panregalo niya. Siya rin ‘yung tipong nagpapagawa ng special personalized gift wraps, ribbons at cards kapag may mga okasyon.

Siyempre, kasama sa mga ‘yon ang pangalan ng mga anak niyang sina Lorin at Venice.

Nakasanayan na ni Ruffa ang ganun mula pa noong bata pa lang siya hanggang sa kasalukuyan.

Usually, maaga niyang ginagawa ‘yon para hindi stressful, pero dahil nag-family bonding nga sila sa Boracay Island at noong Monday afternoon lang nakabalik ng Maynila, noon lang niya nagawa ‘yon.

Kagabi naman, may Christmas eve dinner sila sa family house nila sa White Plains na tradisyon nila simula nang bumalik sila ng Philippines noong 1986 mula sa matagal na pamamalagi sa Northridge, California.

Medyo iba nga lang ‘yung Christmas eve dinner nila kagabi dahil iilan na lang sila kasama ang ilang mga taong nagtatrabaho sa kanila.

‘Yung iba naman, ipinadala na lang nila ang gifts dahil siyempre, hindi na rin puwede ang malaking selebrasyon dahil may COVID-19 pandemic.

Noon kasi, kahit ‘yung mga dating nagtrabaho sa kanila ay pumupunta sa kanilang bahay kapag Christmas eve.

Pero siyempre, katulad ng lahat, umaasa si Ruffa at ang kanyang pa­milya na mawawala rin ang pandemic at puwede na uling makapag-celebrate ng Christmas katulad ng nakasanayan nila sa susunod na taon.

Isa pang nakasanayan nila ay ang panonood ng Metro Manila Film Festival sa mga sinehan simula Christmas day, pero ngayon nga, mababago na rin ‘yon dahil sa online na sila, sa pamamagitan ng Upstream.ph manonood.

ASSUNTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with