^

PSN Showbiz

Socmed personality 'Xander Ford' kalaboso sa reklamong physical, sexual abuse

James Relativo - Philstar.com
Socmed personality 'Xander Ford' kalaboso sa reklamong physical, sexual abuse
Nasa likod ng seldang ito sa MPD Station 2 police community precinct ang social media personality na si Marlou Arizala matapos ireklamo ng kasong Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children ng dating kasintahan, ika-22 ng Disyembre, 2020
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dinakip ng otoridad ang social media personality na si Xander Ford matapos ireklamo ng abusong pisikal at at sexual assault ng kanyang dating nobya.

Inihain ang isang warrant of arrest kay Xander (tunay na pangalan Marlou Arizala) habang nasa isang restawran sa Pasay City, Martes ng gabi, dahil sa paglabag diumano sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children.

Kasalukuyan siyang nakapiit sa Manila Police District (MPD) 2 police community precint matapos arestuhin.

Aabot sa P18,800 ang itinakdang piyansa sa kanya ng Manila Regional Trrial Court Branch 38, bagay na sasagutin ng general manager ng Star Image Artist Management.

Ayon sa Philippine Commisison on Women, ang karahasan sa kababaihan ang isa sa mga pinaka-laganap na problema ng bansa. Sa datos ng Philippine Statistics Authority, isa sa bawat apat na Pilipina edad 15-49 ay nakaranas ng physical, emotional or sexual violence sa kamay ng kanilang asawa o partner.

Ang karahasan na ito ay may kinalaman sa hindi pantay na power relation ng kalalakihan at kababaihan kung saan mga lalaki ang karaniwang mas dominante. 

"Societal norms and traditions dictate people to think that men are the leaders, pursuers, and providers, and take on the dominant roles in society while women are the nurturers, men’s companions and supporters, and take on the subordinate roles in society. This perception leads men to gain more power over women. Hence, VAW becomes a form of men’s expression of control over women to retain power," ayon sa PCW.

Marlou humingi ng tawad, itinanggi na may kasalanan

Hindi naman daw kukunsintihin ng pamunuan ng naturang management si Arizala kung mapatutunayang nagkasala.

Humingi naman ng kapatawaran si Marlou sa kanyang ex-girlfriend habang nasa likod ng malamig na selda.

"Wala naman akong ginawang masama sa kanya, pero humihingi na lang po ako ng tawad sa kanya. Magpapakababa na lang po ako. sana mapatawad mo ako," ayon sa suspek.

"Sana maawa ka sa akin kasi magpa-Pasko tapos ganito 'yung mangyayari sa pamilya ko, sa mama ko. Ako lang 'yung inaasahan ng pamilya ko."

Sana raw ay magkaayos na silang dalawa at willing naman daw siya aniya harapin ang nag-aakusa. 

Ayon sa mga women's rights advocate at sa batas na rin, ang karahasan sa kababaihan ay isang krimen at hindi dapat tingnan bilang away na personal na maaring ayusin na lamang.

Matagal-tagal na rin daw nang huli niyang nakita ang dating nobya ngunit ayaw na raw niya munang gambalain pa ang nabanggit at nag-focus na lang sa pagnenegosyo. — may mga ulat mula kay The STAR/Miguel de Guzman

PHYSICAL ABUSE

SEXUAL ASSAULT

SOCIAL MEDIA

XANDER FORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with