Andeng, na-master na ang pagiging mayor
Siguro at ease na rin si Mayor Andeng Ynares sa kanyang work as Mayor ng Antipolo. Kasi nga noong una, reluctant pa siya dahil nga talagang hands on siya sa pag-aalaga ng kanyang mga anak. But now, kita mong looking forward na siya sa pag-aasikaso ng lahat sa city hall.
Cute ang approach niya sa kanyang trabaho, iyon para bang isang malaking bahay ang inaasikaso niya, inaayos, kaya naman very approachable siya sa lahat. Saka siyempre malaki ring tulong ‘yung nakita niya ang mga trabaho ng kanyang asawang si dating mayor Jun Ynares, ang mga kapatid na pulitiko tulad nila Sen. Bong at Cong. Strike Revilla at ang hipag na si Mayor Lani Mercado. Talagang hindi niya naiwasan ang pulitika.
Naku kayang-kaya naman talaga ‘yan ni Andeng.
Mga tamad magluto, may bagong Nadiskubre
Maganda ang ginawa ng Bagoong Club restaurant ha. Kilalang-kilala na isang resto na serving native dishes sila na ngayon ay meron na rin silang mga ready to cook meals na puwedeng ilagay lang sa ref, ipainit, at voila, para ka na ring nagluto.
Masarap siya at maraming choices. Imagine meron pang chicharon bulaklak, laing, at iba pa.
Ganun na talaga yata ang uso ngayon, sa bilis ng panahon, hassle na mag-prepare at pumunta pa ng palengke kaya heto, mga home cooked meal na ready to eat na iinit mo na lang at ok na handa nang kainin.
Thank you Ferdie Sia ng AMA for introducing us to this kind of delectable delights.
- Latest