Pag-aayos ng kasal nina Tom at Carla, tinigil muna
Alam mo, Ateng Salve, in fairness sa sexy actor of the 80’s na si Rey “PJ” Abellana, hindi masyadong tumanda ang hitsura niya, huh!
Nang makatsikahan ko nga siya kahapon sa presscon ng Mamasapano movie na produced ng Borracho Films ni Atty. Ferdinand Topacio, pinansin ko ang hitsura niya na hindi masyadong tumatanda.
Bukod daw sa maalaga siya sa sarili ay may peace of mind din daw kasi siya.
Anyway, inusisa ko rin ang aktor tungkol sa anak niyang si Carla Abellana.
Wala pa bang balak si Carla at ang boyfriend nito na si Tom Rodriguez na magpakasal na ngayong 2021? “Mukhang wala pang kasalang magaganap next year. It has something to do yata sa contract pa ni Carla, pero I’m not really sure,” sabi ni Rey.
Sabi ni Rey, last year daw ang alam niya ay inaasikaso na nina Carla at Tom ang mga importanteng papeles na may kinalaman sa balak nilang magpakasal, pero mukhang natigil daw ‘yon.
Nabanggit din ni Rey na ok sa kanya si Tom at two years ago ay nakasama pa nila itong mag-Christmas nang isama sa kanila ng kanyang anak.
Ok daw kausap si Tom and puro good words lang ang mga sinabi ni Rey tungkol kay Tom sa tsikahan namin kahapon.
Sylvia ayaw umasa sa best actress
After manood ng preview ng Coming Home, tinawagan ko si Sylvia Sanchez para i-congratulate dahil ang galing-galing nila ni former Jinggoy Estrada sa kanilang Metro Manila Film Festival 2020 official movie entry.
Tumawag naman kaagad ang aktres para magpasalamat.
Noong Thursday lang pala siya natapos sa first lock-in taping ng new ABS-CBN teleserye niya, ang Huwag Kang Mangamba.
Going back to Coming Home, sinabi ng aktres na pinaghandaan talaga niya ang pelikulang ‘yon. Pinag-aralan daw niyang mabuti ang kanyang character at kung paano niya ipo-portray ‘yon. Pero kahit nga maraming nagsasabi na napakagaling niya sa Coming Home, hindi naman daw siya nag-e-expect kaagad na mananalong best actress.
Sa tuwing gumagawa raw siya ng isang project ay hindi award ang iniisip niya.
Kung sakaling manalo naman daw siya, blessing na lang daw ‘yon.
Anyway, worth it panoorin ang Coming Home, kaya umaasa si Sylvia na lalakas ang kanilang pelikula once na maipalabas na dahil sa word of mouth.
Pero, Ateng Salve, feel na feel ko, nangangamoy best actress talaga si Sylvia para sa Coming Home, huh! ‘Yun na!
- Latest