^

PSN Showbiz

Male personality ginantihan ng mga langgam sa sobrang kadamutan, aktres sa kuwarto iniimbak ang mga pinamimiling grocery

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng aktibo pa sa kanyang karera ang isang male personality ay palagi itong laman ng mga blind items dahil sa kanyang karamutan. Marami itong tinatanggap na produkto, marami itong ka-ex-deal, pero hindi naman nito ipinamimigay.

Maramot ang male personality, nakatambak lang sa kanyang bahay ang mga produkto, kahit ang kanyang staff ay hindi nakakatanggap mula sa kanya ng kahit ano.

Kuwento ng aming source, “Sa sobrang karamutan niya, e, nag-alsahan na ang mga de-lata, nilalanggam na ang mga biscuits, expired na ang halos lahat ng products na ka-ex-deal niya.

“One day, e, sigaw siya nang sigaw, nagulantang ang mga kasambahay niya, akala nila, e, may nakitang multo ang male personality dahil nagsisisigaw talaga siya!

“’Yun pala, e, pinagkakagat siya ng mga langgam! Pati kasi ang ilalim ng kama niya, e, punumpuno ng mga biscuits at chocolate na dapat, e, pang-giveaway niya sa show!

“Pantal-pantal ang katawan niya, naging sugat ang mga pantal niya sa sobrang kakakamot niya, nagkagastos pa tuloy siya sa gamot na iinumin at ipapahid niya sa buong katawan niya!” humaha­lakhak na kuwento ng aming impormante.

It’s a tie! May female counterpart ang naturang male personality, maramot din siya sa kanyang mga kasambahay, nakatago ang mga grocery niya sa mismong kuwarto niya.

Ibang source naman ang nagkuwento ngayon, “Nakakaloka siya! Meron naman silang pantry sa bahay, pero bakit nasa bedroom niya ang mga groceries niya?

“Naglalabas lang siya ng mga agarang gagamitin sa kusina, lalo na kapag magluluto na siya, pero ang lahat ng mga gino-grocery niya, e, nakatago sa kuwarto niya!

Pero naiintindihan ng marami ang ginagawa ng female personality, napa­katagal na panahon kasi siyang pinagdamutan ng magandang kapalaran, kaya siya ganyan karamot.

“Siguro, ayaw na niyang bumalik pa uli sa kahirapan kaya siya ganyan kaingat sa kung anumang meron siya ngayon. Grabe naman kasi ang pinagdaanan niya, nagdusa talaga siya sa kahirapan, premyo niya ‘yan ngayon sa pagtitiyaga niya.

“Ingat-ingat lang, dahil baka naman madagdagan pa nang todo ang timbang niya sa katatago ng mga groce­ries at food sa kuwarto niya!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jamir ng Slapshock, inaalala ng mga kaibigan ang kabaitan

Hindi namin kilala nang personal ang pumanaw na bokalista ng bandang Slapshock na si Jamir Garcia. Hindi kami nabigyan ng pagkakataong makilala siya pero paborito si Jamir ng mga anak naming mahilig sa musika.

Hindi maayos ang pamamaalam ni Jamir, inunahan niya ang kalooban ng Diyos, siya mismo ang kumitil sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagpapakamatay.

Bakit nga ba siya nagpaalam sa mundo sa nakakikilabot na paraan? Mahirap husgahan ang mga taong nagsu-suicide. Siguradong napakalalim ng kanilang dahilan para sumuko sa buhay.

Sinusulat namin ngayon ang kilalang bokalista dahil sa sobrang kalungkutan ng mga naging kaibigan at kapitbahay niya sa Gumamela at iba pang kalye sa Roxas District.

Namahay ang Mariposa Publications sa Tulip corner Magnolia sa nasabing komunidad, kabisado namin ang Gumamela, marami ­kaming kaibigan du’n.

Sila ang nagpakilala sa amin kay Jamir Garcia bilang isang mabuting tao, mapagkumbaba, marunong lumingon sa kanyang pinagmulan kahit pa sumikat na siya.

Magpa-Pasko na, mas naaalala si Jamir ngayon ng mga naging kaibigan at kapitbahay niya, naging ugali na pala niyang bumalik du’n para bigyan ng kaligayahan ang mga tagaroon.

Kuwento ni Dang, kaibigan ni Jamir at ng kanyang misis na si Jaya, “Napakabuting tao ni Jamir, walang kayabang-yabang, matulungin siya at talagang napapamahal sa kahit saan siya magpunta.”

Depresyon ang isa sa mga dahilan kung bakit itinulak si Jamir Garcia sa pagkitil ng kanyang mahalagang buhay. Depresyon na may kakambal na pagkalungkot sa kinauwian ng tiwala at pagmamahal niya sa mga taong hindi nagbalik sa kanya ng katumbas na malasakit.

Lungkot na lungkot ang mga napalapit kay Jamir dahil sa biglaan niyang pagkawala. Hindi kasi niya nakakalimutang balikan ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.

Tanong ng isang nakausap namin, “Bakit nga ba ganu’n? Ang mabubuting tao pa ang nawawala? Sana, ‘yung mga traydor na lang, para mabawasan ang masasamang tao sa mundo.”

Oo nga naman. Pero ano nga ang kapaniwalaan? Ang masasamang damo ay matagal namamatay.

AKTRES

JAMIR

MALE PERSONALITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with