^

PSN Showbiz

Matet at Lotlot, pumalag sa banat ng Noranians

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Matet at Lotlot, pumalag sa banat ng Noranians

Matapos na ihayag ni Ian de Leon ang kanyang damdamin kung bakit hindi niya sinipot ang sinasabing party na inihanda para sa kanya ng inang si Nora Aunor, bumanat din ang kanyang mga kapatid, na adopted daughters ni Nora na sina Lotlot at Matet.

At hindi nagustuhan ni Lotlot ang ginawang pambabanat ng fans ni Nora kay Ian matapos na sabihing hindi iyon sumipot sa party na inihanda para sa kanya. Mukhang may ganoon ding damdamin si Lotlot at sinabi niyang “isang panig lang ang narinig ninyo nanghusga na kayo agad. Ni hindi ninyo alam ang totoong nangyayari. Puro na lang kasinungalingan ang ibi­nabato.”

Maging si Matet ay nagpahayag ng sama ng loob sa mga Nora­nians at nagsabing  “para ka­ming nakatali, nakabusal, habang sinasampal-sampal.” Marami kasing fans ni Nora na sila ang binabalikan at sinasabihan pang walang respeto sa nagpalaki sa kanila.

Si Ian, ang binigyang diin ay hindi niya nagustuhan na ipinagpapaalam pa diumano sa kanya na isasama ni Nora ang kanyang karelasyong si John Rendez, na hindi kasundo ng anak kaya hindi na siya nagpunta pa.

Maliwanag kung ganoon, batay sa statement pati nina Lotlot at Matet na mukha ngang may hindi magandang samahan sa pamilya ni Nora at ang pinag-uugatan noon ay ang kanyang relasyon kay John Rendez.

Mukhang dumating na sa punto na pinamimili na ng kanyang pamilya si Nora kung sino ang kanyang pakikisamahan, ang kanya bang mga anak o si John. Pero kung ano man ang kanyang maging desisyon sa buhay niya ay siya ang bahala.

Ang sinasabi pa ni Ian, “bigyan mo kami ng pagkakataong alagaan ka.” Alam naman nila kung ano ang kanilang responsibilidad sa kanilang ina, pero siguro nga ayaw nilang maging responsible rin sa isang hindi naman nila kaanu-ano talaga.

Sir Chief, plinano na noon ang paglipat

Lumipat na rin si Sir Chief sa GMA 7 noong isang araw. Sinasabing isasama siya sa ilang shows at tiyak na sa susunod na taon ay magkakaroon siya ng mga projects na ipalalabas sa prime time. Sinasabi rin ni Richard Yap, na mas nakilala sa kanyang role na Sir Chief, na inaasahan niyang magagawa niya sa kanyang bagong network ang mga bagay na matagal na niyang gustong gawin, pero hindi nagawa noong araw.

Isa si Sir Chief sa maraming stars ng ABS-CBN na ngayon ay lumipat na sa GMA 7. Bago pa ang lockdown, lumipat din sa kanila si Rayver Cruz, na ngayon ay napatunayang isa pang magaling na TV host, at hindi puro sayaw lang ang alam.

Nasa GMA na rin noon pa si Willie Revillame, ang host ng ABS-CBN na muntik nang magpataob sa Eat Bulaga. Ang tsismis ay may iba pa raw lilipat.

Iyong iba naman nilang stars, napunta sa TV5 - sa blocktime producers.

Kapamilya, napatunayang hindi iniwan ng mga kaibigan

Masaya ang virtual Christmas party na ginawa ng ABS-CBN at dinaluhan ng lahat halos ng mga movie writers, katunayan na marami pa rin silang kaibigan kahit na nawala pa ang kanilang franchise, kahit pa sa ngayon ay napapanood na lang sila sa internet at blocktimer na lang sa isang analog station. At lahat ay dumalo sa kanilang virtual Christmas party dahil itinuturing silang kaibigan. Hindi kailangang magbigay ng regalo, kailangan lamang ipakita ang isang tapat na pagiging kaibigan.

At least napatunayan nila na marami pa rin silang mga kaibigan sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanila nitong 2020, na talaga namang napakabigat.

LOTLOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with