^

PSN Showbiz

Always ni Inigo pasok sa the 100 Best Songs of 2020 ng Apple music

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Always ni Inigo pasok sa the 100 Best Songs of 2020 ng Apple music
Inigo Pascual
STAR/ File

Bongga, napabilang sa The 100 Best Songs of 2020 Playlist ng Apple Music ang Always, isang recent kolaborasyon nina Inigo Pascual at Moophs.

Tema ngayong taon ng nasabing pagkilala ang musikang may iba’t ibang istilo at perspektibo na naglalapit sa mga tao.  Bukod sa Always, tampok sa playlist sina Dua Lipa, Ariana Grande, Justin Bieber, at iba pang malalaking pop acts ng taon.

“Dancehall meets Afrobeat put lovers’ heartbeat in sync,”  ani ng Apple Music editors sa kantang Always, isang pop track na naglalayong makuha ang inaasahang commitment mula sa minamahal sa kabila ng pag-aalinlangan na tema na central sa upcoming 2021 full-length album ni Inigo na Options.  “Naniniwala ako na mahalaga ngayon ang paghahatid ng good vibes thru music. Ito ang perfect way para maghatid ng ngiti sa mga tao sa kabila ng mga nangyayari sa mundo,” kwento ni Inigo tungkol sa awitin.

Samantala, nagpahayag naman si Moophs ng excitement sa pagkilala ng isa sa mga nangungunang streaming platform. Aniya, honored siya na makasama sa Top 100 roundup ng Apple Music ngayong 2020 kasama ng iba’t ibang sikat na artists.

Si Moophs ang nagproduce, nag-compose, at nagmix ng Always, na isinulat ng composer ng Black Swan song ng BTS na si Vince Nantes, OPM pop artist na si Sam Concepcion, at ni Inigo.

Sinundan ng proyekto ang RISE,  isa sa mga bonggang international releases mula sa bansa na pinagsama-sama ang artists mula sa US (Eric Bellinger, Vince), Malaysia (Zee Avi), at Pilipinas (Inigo, Sam, Moophs).

Tagumpay rin ang inirelease nina Inigo at Moophs na latest remix ng Catching Feelings, na may halos 10M Spotify plays at mahigit 100K na social dance challenge videos.

BONGGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with