^

PSN Showbiz

Coffee shop nina Anthony Taberna ninakawan habang anak nagdurusa sa leukemia

Philstar.com
Coffee shop nina Anthony Taberna ninakawan habang anak nagdurusa sa leukemia
Litrato ni Anthony "Ka Tunying" Taberna (kanan) habang hawak ang tasa ng kape mula sa kanilang pinagnakawang coffee shop at kanyang anak na si Zoey (kanan), na ngayo'y sumasailalim sa chemotherapy
Mula sa Instagram account ni Anthony Taberna

MANILA, Philippines — Hindi pa man nakalalagpas sa nauna nilang suliranin, panibagong dagok na naman ang sumalubong sa Kapamilya broadcast journalist na si Anthony "Tunying" Taberna, matapos aniya pagnakawan ng malaking halaga ang kanilang coffee shop-restaurant ilang linggo pa lang ang nakalilipas.

Ito ang kanyang inilahad sa episode ng "Magandang Buhay" kahapon matapos aktong biktimahin ng pinagkakatiwalaan sa negosyo nilang Ka Tunying's Cafe.

"Isipin mo hirap na hirap kami. Alam mo 'yung pagpapagamot sa katulad ni Zoey, sa kanyang kondisyon, mabigat 'yon... [N]adiskubre namin two weeks o three weeks ago lamang na kami pala ay ninanakawan ng taong pinagkakatiwalaan namin dito sa kumpanya," ayon sa broadcaster.

"Eh sabi ko napakahirap naman 'yung ganung sitwasyon at hindi maliit na halaga 'yung kinuha sa kumpanya."

Isang taon na ang nakalilipas nang ma-diagnose ng sakit na leukemia ang anak na si Zoey, na kamakailan lang ay nagpakalbo na dahil sa pagkalagas ng buhok dulot ng chemotherapy.

Basahin: 'Parang guguho ang mundo': Anthony Taberna breaks down but admires daughter's courage in battling leukemia

 

 

Aniya, napakasakit ng nangyari lalo na't pinaghirapan nilang mag-ipon ng pera ngunit kukunin lang daw ng iba.

"Sabi ko nga, kung hindi namin mareremedyuhan ngayon ang nangyari, masakit man... baka ihanda natin ang sarili natin sa pagsasara ng kumpanya. Sobra kasing laki nu'ng nawala kaya napakahirap ng pangyayari ngayon," dagdag pa niya.

"Sobrang sakit sa pakiramdam. Kaya ang sitwasyon namin ngayon 'yung tao ay inihahanda namin ang kaso sa kanya."

 

 

Matatandaang taong 2015 nang pagbabarilin ng mga 'di kilalang salarin ang coffee shop ni Ka Tunying sa Visayas Avenue, Lungsod ng Quezon, bagay na iniugnay na noon sa kanyang trabaho't pagkokomentaryo sa himpapawid. — James Relativo

ANTHONY TABERNA

COFFEE SHOP

THEFT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with