^

PSN Showbiz

Grae, nakikita kay Leonardo ang sarili

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Grae, nakikita kay Leonardo ang sarili
Grae

Malaki ang paghanga ni Grae Fer­na­n­­dez sa Hollywood actor na si Leo­nardo DiCaprio. Para sa binatang anak ni Mark Anthony Fernandez ay talagang nakita niya sa international actor ang magagandang katangian para sa isang idolo. “Ang pinaka-idol ko po talaga na actor ay si Leonardo DiCaprio kasi po makikita n’yo, no’ng bata siya sobrang mapagmahal siya sa parents niya. Palagi niyang kasama ‘yung nanay niya actually sa Oscars, sa kahit anong red carpet event,” bungad ni Grae.

Para sa aktor ay malaki ang pagkakapareho nila ni Leonardo dahil ang ina rin ang madalas na kasama ni Grae sa trabaho. “Nakikita ko ‘yung gano’ng side ko kasi palagi kong kasama ang mom ko every time. Ngayon po medyo strict tayo dahil may coronavirus, siyempre hindi ko siya pwedeng isama. Pero kasama ko ang mom ko every time na nagtatrabaho po ako, may mall show po ako. Nakikita ko po ‘yung gano’ng bagay kay Leonardo. Tapos humanitarian na siya, he cares about the world and environment. ‘Yung mga gano’ng aspeto po talaga nakikita ko,” paglalahad ng aktor.

Kabilang si Grae sa teleseryeng Ang Sa Iyo ay Akin na napapanood sa Kapamilya Channel. Nakikilala na rin ngayon ang Ki-Rae na tambalan nina Grae at Kira Balinger.

John, gusto ulit manalo ng best actor award

Isa ang Suarez: The Healing Priest sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2020 ngayong Kapaskuhan. Pinagbibidahan ito ni John Arcilla na muntik nang umatras na gawin ang pelikula noon. “Believer ako ng healing, kahit anong healing naniniwala ako. Kasi bago naman tayo nagkaroon ng modern medicine, doon muna umaasa ang tao sa mga healing na ‘yan. Kaya napa-oo kaagad ako sa team na nag-invite sa akin and when I read the script, nag-research ako then nakita ko ‘yung controversy tapos parang gusto kong mag-backout,” pagbabahagi ni John.

Nagdalawang-isip na tanggapin ng premyadong aktor ang bagong pelikula dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan noon ni Fr. Fernando Suarez. Namatay nitong Pebrero lamang ang kinilalang The ­Healing Priest dahil inatake sa puso. “Pinanood ko ‘yung mga video niya. Sobra akong na-mesme­rize sa galing niyang magsalita kaya naisip ko na gusto ko munang makausap si Father bago ako mag-backout. Para maging fair naman ako and I have to set aside my doubts at mag-storycon muna kami. I want to listen to his story and hindi ko tatanungin ‘yung tungkol sa controversy kasi medyo awkward. Then napansin ko na sincere siya at nakuwento naman niya lahat. He’s a very simple man who is not trying to defend himself, to justify ang sarili at naniniwala siyang mabi-vindicate siya. Kasi alam niya wala siyang kasalanan. So I felt the sincerity kaya itinuloy ko ‘yung project,” kuwento ng aktor.

Hindi raw nakararamdam ng pressure si John na muling makasungkit ng Best Actor award para sa Suarez: The Healing Priest. “Hindi naman ako pressured. Minsan nasa award giving body at depende pa rin ‘yan sa criteria ng jurors kung sino sa kanila ang nakapag-perform ng best sa lahat ng entries. Masarap pakinggan kapag nire-recognize nila ako at doon pa lang masaya na ako pero para manalo, bonus ‘yon. Lahat naman kami gustong manalo,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

GRAE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with