Ellen DeGeneres tigil muna ang show, nagka-COVID
Tested positive for COVID-19 ang controversial TV host-comedienne na si Ellen DeGeneres. Naging dahilan ito para itigil muna ang kanyang talk show at babalik na lang sa January 2021.
“Hi Everyone, I want to let you all know that I tested positive for Covid-19. Fortunately, I’m feeling fine right now. Anyone who has been in close contact with me has been notified, and I am following all proper CDC guidelines. I’ll see you all again after the holidays. Please stay healthy and safe,” tweet ni Ellen noong nakaraang December 10.
Nataon ang shutdown sa Ellen show kung kelan sinumulan na ang annual 12 Days of Giveaways sa show. Nakatulong ito sa pagtaas ng ratings ng show ni Ellen.
Simula noong mag-premiere ang season 18 ni Ellen last September 21, nag-struggle ito sa ratings bunga ng allegations of racism, sexual misconduct and other workplace problems.
Nireklamo si Ellen ng kanyang staff for poor communication, pay reductions and mistreatment.
Catriona abala pa rin sa relief ops
Simula noong makabalik si Miss Universe 2018 Catriona Gray mula sa Colombia, tuluy-tuloy ang pagsama nito sa mga relief operations ng Philippine Red Cross.
Noong nakaraang December 5, lumipad si Catriona sa Camarines Sur and Catanduanes kasama ang PRC para mag-distribute ng cash grants at shelter tool kits sa mga pamilya na naapektuhan ng magkakasunod na bagyo noong nakaraang buwan.
“Traveled with @philredcross to typhoon-affected areas like Cam Sur and Catanduanes to be present in the giving of a multipurpose cash grant and shelter tool kits. And I want to say thank you to all of our donors, locally and abroad, who have come together to give to our typhoon-affected kababayans. It’s one thing to call for awareness and donations on my platforms, but a completely different thing to be present in person when the aid is given,” post ni Queen Cat sa IG.
Pamilya alapag adjusted na sa Amerika
Mukhang nakapag-adjust na ang mga anak nila LJ Moreno at Jimmy Alapag sa pagtira sa Amerika.
Noong September lumipad ang Alapag family for the US at nakapagdesisyon silang tumira na roon. Hindi naman naging mahirap ang pag-migrate nila sa US dahil parehong US citizens sina LJ at Jimmy.
Sa mga pinost na photos ni LJ sa Instagram, makikitang happy ang kanilang tatlong anak na sina Ian, Keona, and Calen sa mga pinapasyalan nilang mga lugar.
Ilan sa mga napasyalan nila ay ang Huntington Beach at ang children’s zoo sa California.
Nag-celebrate din ng kanyang 40th birthday si LJ sa US last October at nag-turn 3-years old naman ang bunso nilang si Calen.
Nagkaroon din ng chance si Jimmy na mabisita ang kanyang former coach na si Bill Bayno, currently an assistant coach of the Indiana Pacers in the NBA. Habang si LJ ay nakipag-reunion sa ilang showbiz and non-showbiz friends na base na sa US.
- Latest