^

PSN Showbiz

Mga kumikita sa milagro, nasaid ang ipon sa pandemya

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kung kailan naman pandemya at maraming personalidad ang pinagdamutan ng trabaho ay saka naman nadamay rin ang isang klase ng pader na maaari nilang sandalan.

Hindi lahat ay gumagawa ng milagro, pero maraming gumagawa ng ganu’n, sa panandaliang panahon lang ay kumikita sila nang malaki na konting-konting oras lang ang kanilang puhunan.

Kuwento ng isang source na kung tawagin ng marami ay Boogie Wonderland dahil ang tulad nito ang nilalapitan-tinatawagan ng mga personalidad na nangangailangan ng booking, “Hindi lang ang mga lugar na binagyo ang sumayad, hindi lang ang mga magsasakang sinira ng kalamidad ang mga pananim ang naapektuhan, pati ang industriya ng dyokaran, sobrang apektado rin!

“Mula nu’ng mag-lockdown, nawalan na rin ng sideline ang mga artista, modelo, isama na rin natin ang mga sportsmen na nagsa-sideline din!

“Wala na silang hanapbuhay, ‘yun pa naman ang pinakamabilis na paraan para sila magkapera, pero nawala rin. Sino ang maglalakas-loob na kumuha ng kahit sino para makasama nila nang kahit ilang oras lang?

“Natural, takot na takot ang madadatung, nagdadalawang-isip sila, dahil baka nga naman sila mahawa! Sino ang magte-take ng risk kahit pa ang kapalit nu’n, e, pansamantalang kaligayahan?” komento-opinyon ng Boogie Wonderland.

Isang male personality ang todong naapektuhan ng pandemya. Malaking pagdurusa talaga para sa kanya ang pamumuksa ng COVID-19 sa buong mundo. Napakalaking kawalan nu’n para sa male personality at sa iba pang mga katropa niyang gumagawa ng milagrong sideline.

Patuloy ng aming impormante, “Hindi lang kay ____(pangalan ng popular na male personality) nagkaroon ng malaking kabawasan ang pandemic na ito. Marami pang ibang tumatawag para magtanong kung clear na raw ba ang area?

“Siyempre, nangangailangan sila ng datung, wala silang work, ngayon nila talaga kailangang mag-sideline. Pero wala, e. Talagang walang nangangailangan ngayon ng happiness.

“Mas mahal nila of course ang buhay nila, mahirap na nga naman, baka ang makapalit ng sandaliang happiness nila, e, ang pagkakasakit!

“Buti na lang at ‘yung isang female personality, e, iginarahe na ng isang super-yamang businessman, magtagal man nang mahabang-mahabang panahon ang pandemya, e, sigurado na siya at ang pamilya niya!

“Ligtas na sila sa pagkagutom, sa kahirapan, dahil nakasandal na siya sa pader ngayon!” pagtatapos ng Boogie Wonderland.

Ubos!

National Artist Award hindi kailangan ng santo

Kung ang magiging barometro sa pagluluklok sa isang personalidad sa prestihiyosong National Artist award ay ang kanyang kontribusyon sa industriyang kinabibilangan niya ay wala nang kailangan pang patunayan si Nora Aunor.

Suyurin man natin pabalik ang kanyang karera ay wala nang maibubutas ang kahit sino para hindi pa igawad sa kanya ang pambansang parangal. Huwag na nating isali pa ang pagiging mahusay niyang singer, ang pagganap niya na lang na umani ng tagumpay dito at sa iba-ibang bansa man ang ating sentruhan, ipagdadamot pa ba kay Nora Aunor ang premyo ng kanyang ipinamamalas na talento?

May punto si Congresswoman Niña Taduran sa isinulong nitong House Resolution, hindi tayo naghahanap ng santo, tao lang si Nora Aunor na nagkakamali tulad nating lahat kaya hindi dapat husgahan ang Superstar sa mga personal niyang kakapusan.

Ang kailangang bilangin ay ang kanyang ambag sa industriya ng pelikula, ang kung ilang beses siyang nagbigay ng karangalan sa ating bayan sa mapa ng mundong tanghalan, panahon na talaga para igawad kay Nora Aunor ang National Artist award.

Dalawang beses nang ipinagdamot ang parangal na ito kay Nora Aunor. May mga sinilip ang mga pumipili, ibinabalik palagi ang kontro­bersiyang naganap sa Amerika tungkol sa usapin ng droga, wala bang pagkakataong ibinibigay sa mga taong minsang nagkamali?

Kung santo ang hinahanap natin sa pagluluklok sa pagiging National Artist ay mababasyo ang upuan. Walang lulusot, walang papasa, dahil lahat tayo’y nagkakamali.

Kung sa ikatlong pagkakataon ay mabibigo pa rin ang mga nagsusulong sa pangalan ni Nora Aunor sa pagiging National Artist ay wala na tayong magagawa.

May parangal man o wala ay tuloy ang ikot ng mundo, tuloy ang buhay at karera ni Nora Aunor, wala nang kahit sinong makakabaklas pa sa pagkahinang sa ulo niya ng titulong Superstar.

MILAGRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with