^

PSN Showbiz

John na-bash sa pangingialam sa national artist ni Ate Guy

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
John na-bash sa pangingialam sa national artist ni Ate Guy
John Rendez
STAR/ File

Inulan pala ng matinding bashing si John Rendez dahil sa sinabi niya sa nakaraang interview namin sa DZRH tungkol sa nomination kay Nora Aunor bilang National Artist.

Sabi kasi ni John na kung siya raw si Ate Guy, hindi na niya tatanggapin ang naturang parangal.

Sabi naman ng ilang Noranians na close na kay Nora, maaaring na misinterpret lang daw si John dahil sa hirap pa rin ito sa pagsasalita ng Tagalog.

Pero naintindihan din naman daw nila ang rapper/singer kung nakapagsalita ng ganu’n dahil hindi lang naman daw siya ang nasaktan sa dalawang beses na pagkaudlot ng paggawad ng naturang parangal.

Isa raw siya sa nasaktan sa dalawang beses ngang pagkaligwak kay Ate Guy sa naturang parangal, at baka sa pangatlong pagkakataon ay hindi na naman daw ito ibibigay sa kanya.

Wala pa akong ideya kung kailan ito igagawad pero ang ilan pala sa mga nominado rin sa National Artist for Film and Broadcast Arts ay ang namayapang si direk Maryo J. delos Reyes at Ricky Lee na suportado ni John Lloyd Cruz.

Alden seryoso na sa pag-ibig, aldub ‘di na-highlight

Sold out ang December 8, at December 9 Alden’s Reality virtual concert ni Alden Richards na nag-celebrate ng kanyang 10thanniversary sa showbiz.

Halos dalawang oras ang show na parang personal ang dating sa manonood na parang dalawa lang kayo ni Alden ang nag-uusap. Doon na rin niya inilunsad ang bago niyang single na Goin’ Crazy.

Napansin lang namin na hindi gaanong binigyan ng moment ang AlDub loveteam nila ni Maine Mendoza, at inaasahan naming magbibigay man lang sana ng mensahe ang dating ka-loveteam, pero waley!

Mas nabigyan pa nga ng moment ang box-office hit movie nila ni Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye na kung saan kinanta rin ang theme song ng naturang pelikula kasama ang December Avenue.

Ang mga kanta ng December Avenue ang ilan daw sa mga paborito ni Alden.

Gusto ko ang mga question and answer na segment ng naturang virtual concert.

Sinabi ni Alden na iilan lang naman daw ang close friends niya, na ngayon ay madalas na siya raw ang takbuhan.

Binanggit din ng Asia’s Multimedia Star na seryoso raw siya pagdating sa pag-ibig. ‘Pag dumating daw ang tamang panahong iibig na siya, seryoso na raw ito at hindi paglalaruan lang.

Aniya; “Hindi ako yung tipong makikipaglaro lang sa pag-ibig. Sa akin, love is a serious matter, and I give my commitment to her.”

Taguig may floating cinema na

Totoong nakakalungkot at nakakapanibago na sa online lang natin

mapapanood ang 10 pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Proud si Taguig Mayor Lino Cayetano sa ginawa nilang pag-host ng MMFF noong nakaraang taon. Kaya nalulungkot siya para kay Mayor Joy Belmonte ng Quezon City na sila ngayon ang host at tumama naman itong pandemya.                    

Pero sabi nga ni Mayor Lino, kahit wala pa rin tayong sinehan sa ngayon, ginagawan nila ng paraan sa Taguig na makapagbigay ng entertainment sa abot ng kanilang makakaya.

Natutuwa siya na bukod sa binuo sana nilang drive-thru cinema, meron nang floating cinema na ginawa ng Megaworld sa may Venice Mall.

Mataas naman daw ang bubong at may proper circulation ang aircon nito, kaya puwede naman daw at safe.

Pahayag ni Mayor Lino; “We consulted a lot of stakeholders and every Friday ho lahat mini-meet ko.

“Mall owners man yan, carinderia man yan…at isa ho sa mga ideya ay dahil meron ngang limitasyon yung tradisyonal na panonood ng sine, ay yung drive-thru cinemas.

“So, were looking that be able to have some drive-thru cinemas over the next few months. Hindi naman agad-agad.

“Pero ‘yung isa hong magaling ‘yung Megaworld, dito sa Venice, ‘yung mall na ‘yun sila ho naka-innovate ho sila na pinu-project ho nila yung pelikula.

“Para rin hong nasa mall kayo kumakain, pinu-project nila ‘yung pelikula, magbabayad ka bibigyan ka ng ear phones makakakinig kayo.

“So, kami ho sa gobyerno all we did was make sure that safety protocols are in place and then support them.

“Kailangan nating mag-adjust, mag-adjust, mag-adjust.

“Kung kinakailangang magsara ng kalye at gawing sinehan, para makapagbigay ng konting kasiyahan susubukan at pag-aaralan ho natin.”

vuukle comment

JOHN RENDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with