^

PSN Showbiz

Nora, hindi na kailangan ang National Artist award!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Nora, hindi na kailangan ang National Artist award!
Nora

Kung paiiralin nga ang delicadeza, tama ang sinasabi ni John Rendez na dapat tanggihan na lang ni Nora Aunor ang national artist award. After all hindi naman niya kailangan iyan dahil kinikilala naman siya ng publiko. Ano nga ba ang makukuha niya bilang national artist?

Magkakaroon iyan ng cash grant na malaki rin naman oras na ideklara siyang national artist, bukod doon may matatanggap siyang maliit lang na pension buwan-buwan, na siguro hindi naman niya na kailangan.

Tuwing papasok siya at manonood sa Cultural Center of the Philippines (CCP), may announcement na gagawing naroroon siya bilang isang national artist. Ang katapusan, na hindi naman karaniwang ginagawa na ng ibang national artists, ay iyong pararangalan siya sa CCP mismo kung siya ay papanaw, at may karapatan siyang mailibing sa Libingan ng mga Bayani.

Palagay namin, hindi mahalaga ang lahat ng iyan kay Nora, maliban nga lamang sa title.

Pero tama ang sinasabi ni John Rendez. Tinanggihan siyang ideklarang national artist ng noon ay presidenteng si Noynoy Aquino. Noong nakaraan naman, ginamit din ni Presidente Digong ang kanyang prerogative na hindi ideklara si Nora. Ano ang aasahan ninyo ngayon? Na magpalit na ng isip si Presidente Digong at baka ideklara na rin siyang national artist finally? Kahit na sinong taong may delicadeza, hindi na niya tatanggapin iyon.

Hindi ba ganyan din ang nangyari kay FPJ? Idineklara naman siyang national artist ng da­ting presidente Gloria Macapagal Arroyo, na noon ay pinagbibin­tangan nilang “nandaya” kay FPJ. Hindi tinanggap iyon ng pamilya, pero para huwag namang mabastos ang CCP, nagpunta sila roon, pero sa Malacañang kung saan ginanap ang deklarasyon ay hindi. Umiral kasi ang delicadeza.

Ngayon kung sasabihin ninyong kalimutan na iyang delicadeza basta maideklara lang na national artist si Nora Aunor, tanggapin na nga lang niya kung sakaling magbago na ang isip ni Presidente Digong at ideklara na siya.

Mayor Vico, siningil si Bossing nang mag- taping sa Pasig

Hindi na naman nakalusot nang libre ang GMA 7, nang mag-taping ang sitcom ni Vic Sotto mismo sa isang recreation park sa Pasig City. Noong una nga raw, nahihiyang maningil ang mga taong in-charge dahil alam nila na tatay ng kanilang mayor si Bossing Vic, pero nang malaman iyon ni Mayor Vico, siya mismo ang nagpunta sa set ng taping at naningil ng dapat ibayad sa pagsu-shooting sa public park.

Hindi lang material sa news ang nahihingi. Noong araw nagte-taping, hindi lang naman ang GMA kundi ganoon din iyong iba. Walang bayad at marami pang requirement na kailangan. Ang sasabihin sa iyo, mapo-promote naman ang lugar mo kung magti-taping sila roon, at pangangakuan ka ng credits.

Tama si Mayor Vico, kamag-anak kaya lalong dapat singilin.

Aktor inaasa sa ‘tito’ ang mga bayarin sa bill

May ipinakita sa aming text message ang isang businessman na ganito ang sinasabi, “Tito, problema ko ang daming bills na dumating. Kailangan ko ng pambayad sa condo ko at sa mga credit card. Sinisingil na ako. Kailangan ko ng 30K lahat. Tito, available ako mamayang gabi, puwede mo akong i-date, sabihin mo lang kung saan ako pupunta.”

At nagulat kami nang makita namin ang pangalan ng nag-text, pero siya ba talaga iyon? Tinawagan ng businessman ang male star, naka-speaker ang kanyang cellphone, at nag-usap sila habang nakikinig kami.

Boses nga ng male star iyon, at saka may mga binabanggit siyang alam din naming may kinalaman nga iyong male star sa mga bagay na iyon. Pero may asawa’t mga anak na si male star.

JOHN RENDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with