^

PSN Showbiz

Ilusyonadang female personality, supalpal sa isang aktor

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Maigsi lang ang kuwentong pitik-bulag na ito. Napakaigsi lang pero rock! Tungkol ito sa isang pamosong female personality at sa kanyang kaututang-dila na paminsan-minsan ay kumokontra sa kanyang mga ilusyon.

Kuwento ng aming source, “Hindi lang kasi ilusyunada ang babaeng ‘yun, asyumera pa siya! Kung ano ang gusto niyang isipin, kailangang paniwalaan na siya!

“Marami siyang ilusyon! Kahit wala namang gusto sa kanya ang isang guy, kapag inisip niyang meron, e, kailangang amen lang nang amen ang mga pinagsasabihan niya!”  tawa nang tawang buwena-manong kuwento ng aming impormante.

Kaso, may mga nakakausap ang ilusyunadang female personality na kumokontra sa kanya, talagang sinosoplak siya ng mga ito para matigil na ang pagkailusyunada niya.

“True! May kaututang-dila siya na hindi nakapagpipigil kung minsan, kaya kapag ipinangangalandakan na niyang type siya ng isang male persona­lity na pumuri lang naman sa kanya, e, barado siya agad!

“Ang sasabihin sa kanya nu’ng beki, ‘Hello, mahina yata ang radar mo lately, wala ka bang naaamoy? Beki siya, lalaki ang hanap n’yong pareho, kaya please, tantanan na ‘yan!’

“Pahiya ang illusionist! Barado ang ilusyon niya, mahina ang pang-amoy niya, kaya walang natutuloy sa pakikipagrelasyon niya!

“Sobra kasi siyang adelantada at asyumera, kaya ayun, pati ang mga projects niya, e, nauudlot din!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Alden naalala ang hilig ng Nanay sa teleserye

Binantayan-pinagpuyatan namin ang pagtutok sa virtual concert ni Alden Richards nu’ng Martes nang gabi. Alas onse kaming nagsimula sa panonood, natapos ang palabas nang 12:55, kakaibang karanasan ‘yun na hindi namin pinagsisisihan.

Ang Alden’s Reality ay kuwento ng buhay ng Pambansang Bae. Marami siyang ibinahaging impormasyon na ngayon lang niya inilabas.

Nakatutuwang malaman na bawal pala siyang uminom ng kape nu’ng bata pa siya. Pagdating ng legal na edad na disi-otso ay saka pa lang siya puwedeng magkape.

Lumaki silang magkakapatid na marunong gumawa ng mga trabahong-bahay. Wala silang kasambahay, tinuruan sila ng kanilang ina na huwag umasa sa kahit kanino, kaya marunong siyang maghugas ng pinggan, maglinis at maglaba.

Palaging bulaklak ng dila ni Alden ang kanyang mommy, sugat na walang paghilom para sa kanya ang pagpanaw ng kanyang ina labingdalawang taon na ang nakararaan, marami siyang binalikang alaala tungkol sa mommy niya.

Kapag bagong suweldo ang kanyang ina ay sinigang ang signature food nila. “Mahilig manood ng teleserye ang mommy ko, paborito niya ang Marimar.

“Minsan, e, sinabi niya sa akin, gusto raw niya akong mapanood sa TV, sana raw, ako ang gaganap na si Sergio. Ang pag-aartista ko ang pinaka-legacy na iniwanan sa akin ng mommy ko,” pahayag ni Alden na parang may bikig sa lalamunan.

Sayang lang dahil hindi na nakita ng kanyang ina ang tagumpay na pinagpaguran niya nang sampung taon. Marami siyang naengkuwentrong kabiguan pero ang importante ay kinasihan siya ng kapalaran sa paraang hinding-hindi niya inaasahan.

Personal ang atake ng virtual concert...

Personal ang atake ni Alden Richards sa kanyang virtual concert. Parang ikaw lang ang kanyang kausap. Parang kayo lang dalawa ang natitirang nabubuhay sa mundo.

Ikaw ang kanyang ka-date, sa iyo lang nakatutok ang kanyang puso at atensiyon, na ikinakilig ng kanyang mga tagasuportang pinagkagastusan ang kanyang Alden’s Reality.

Balanse ang konsiyerto. Maraming kuwento si Alden tungkol sa sampung taong biyahe ng kanyang karera, pero may mga production number siyang kunektado pa rin sa kanyang buhay, siyempre’y hindi mawawala ang piyesang God Gave Me You na lumikha ng mi­lagro sa kanyang career katambal si Maine Mendoza.

Masarap ding pakinggan ang bago niyang kanta, may LSS (last song syndrome) agad ‘yun, kaya siguradong ilang linggo lang mula ngayon ay may bagong parangal na siyang tatanggapin sa mundo ng musika.

Hindi matapus-tapos ang kanyang pasasalamat sa Diyos, sa kanyang pamilya, sa GMA-7 at sa kanyang mga tagahanga. Damang-dama ang sinseridad sa pagbabalik niya ng kredito sa mga taong tumulong sa kanya para maabot niya ang tagumpay.

Mapuso rin ang mensahe niya para sa ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya. May mga naging pagbabago, maraming kulang, pero kailangang patuloy pa rin tayo sa paglaban.

Isa sa mga huling kanta niya ang Home, ang lugar kung saan ayon kay Alden Richards ay walang humuhusga sa kanya, napakahalaga talaga para sa kanya ng pamilya.

Maligayang bati sa Pambansang Bae, ganu’n din sa buong team na naghatid sa atin ng kakaiba niyang virtual concert, sulit ang puyat at paghihintay dahil punumpuno ng sorpresa ang laman ng kahon.

ROCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with