^

PSN Showbiz

Kim Chiu maluha-luha, kasama sa Forbes Asia’s 100 Digital Stars dahil sa 'Bawal Lumabas'

Philstar.com
Kim Chiu maluha-luha, kasama sa Forbes Asia’s 100 Digital Stars dahil sa 'Bawal Lumabas'
Kuha ni Kim Chiu habang tuwang-tuwa sa pagpasok sa Forbes Asia’s 100 Digital Stars dahil sa viral song na "Bawal Lumabas," ika-8 ng Disyembre, 2020
Mula sa Instagram account ni Kim Chiu

MANILA, Philippines — Walang mapagsidlan ng saya ang aktres na si Kim Chiu matapos hiranging bahagi ng pinakabagong Forbes Asia's 100 Digital Stars — isang listahahan na nagtatala sa mga "pinakamaimpluwensyang celebrities sa social media" sa rehiyong Asya-Pasipiko.

Lunes nang ilabas ang nasabing talaan, bagay na kumilala rin sa mga Pinoy celebs gaya nina Marian Rivera-Dantes, Angel Locsin, Anne Curtis, Vice Ganda, Kathryn Bernardo at Sarah Geronimo.

Basahin: Pinoy celebrities among Forbes top digital stars

Pero sa kanila, isa na ata si Kim sa pinakabot-langit ang tuwa, lalo na't isa sa puno't dulo nito ay ang kanyang viral video at song na "Bawal Lumabas," na nanggaling noon sa kanyang pahayag kaugnay ng pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

"TOTOO NGA!!!!!!!!!!!!!???? OMG!!! OMG!!!!!!! No words!!!! I am a part of ASIA PACIFIC’s MOST INFLUENCIAL CELEBRITIES ON SOCIAL MEDIA!?????? no words!!!" ani Kim, Martes.

"FORBES!!! Sorry capital letters lahat!!! Para intense yun yung nararamdaman ko now!!! LIKE WOW!!!!! Ang #bawallumabas umabot ng FORBES.Com im litterally crying while typing all these. Grabe po!"

 

 

Ang kanyang seryoso sanang statement laban sa pagtatanggal sa Kapamilya Network sa ere ay nag-anak ng sandamukal na memes pagkatapos pagkatuwaan ng netizens, bagay na nag-anak na ng mga remix at kanta. Kinalaunan, niyakap na lang niya ito at ginawa nang totoong kanta.

 

 

Ayon sa Forbes, umabot na sa 9 milyong views sa Youtube ang kanyang live performance ng awitin. Nauwi na rin ito sa pagbebenta niya ng "Bawal Lumabas" (The Classroom Song) t-shirts, kung saan nakalikom siya ng pondong gagamiting pang-ayuda sa mga apektado ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Basahin: Kim Chiu's 'Bawal Lumabas' merchandise feeds 1.5k families, raise P300k for mass testing

May kinalaman: Roque nag-'ala Kim Chiu' sa pagpapaalala ng quarantine measures

 

 

"I am just thankful for everything God has been giving me. My faith has been tested this year but I never gave up on trusting his will, ALL IN HIS GLORY! ALL FOR YOU FATHER GOD!" patuloy ng aktres.

"THANK YOU @forbesasia for this recognition?? there is truly LOVE AND LIGHT! MARAMING SALAMAT PO! WOW!!!!!"

Maliban sa merchandise at halos-blockbuster na kanta, nakatakda nang ipalabas bilang serye sa telebisyon ang "Bawal Lumabas" pagsapit ng ika-14 ng Disyembre, na may may trailer na kanya raw kinaiyakan din.

Una nang itinanggi ng "Chinita Princess" na yumaman siya mula sa nasabing kanta matapos matapunang bashers. Aniya, napunta naman sa donasyon ang mga perang nakuha niya rahil doon. — James Relativo

vuukle comment

ABS-CBN

BAWAL LUMABAS

FORBES

KIM CHIU

VIRAL VIDEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with