^

PSN Showbiz

Pelikula nina Nora at Ipe sa MMFF, iniyakan

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pelikula nina Nora at Ipe sa MMFF, iniyakan
Nora Aunor
STAR/ File

Kakaiyak ang pelikulang Isa Pang Bahaghari starring Nora Aunor and Phillip Salvador.

Iba pa rin talaga si Nora. Na-master na niya ang husay sa mga ganung role. Ganundin si Phillip na matagal napahinga pero bumawi sa pelikulang ito.

Maging si Michael de Mesa na gumanap na isang baklang kaibigan ng mag-asawang sina Nora and Phillip sa pelikula.

Dinirek ito ng batikang si Joel Lamangan.

Actually, parang hindi naman naluma ang pelikula. Pinagpilian ito sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2019, pero hindi napasama sa Magic 8.

At nang makasali naman sana sa Metro Manila Summer Film Festival last April, naudlot naman dahil nagkaroon nga ng pandemic.

Ngayon ay official entry ang Isa Pang Bahaghari sa MMFF 2020 digital edition.

Sayang nga lang at wala si Ate Guy sa ginanap na preview nito na nag-invite ng iilang press. May masakit daw sa leeg nito sabi ni Direk Joel at tumaas ang blood pressure.

Pero andun naman si Phillip na hindi raw niya inaasahang maganda pala ang kinalabasan ng pelikula nila. Nagpasalamat pa nga ito kay Direk Joel dahil aminado naman siyang tinanggihan niya ito nang unang i-offer sa kanya pero naging persistent silang makuha siya.

Katuwiran ng inactive actor na mas busy na nga sa mga negosyo niya - “Una, naisip ko, hindi ako ready. Ang taba ko, e. And also, I’m so busy helping Sen. Bong Go with his numerous public service activities. Dennis Evangelista, the line producer, was the first to call me, sabi ko ayoko. Then pinakausap niya ko kay Direk Joel who said, just read the script first. Sige na, basahin mo lang,” pag-aalala ng actor.

Pagkatapos daw niyang mabasa ang script, nagandahan talaga siya. “After I read it, ang ganda nga. At sina Nora Aunor and Michael de Mesa ang makakasama ko, both great actors, so napapayag din ako. Sabi ko, sige, ayusin natin ang schedule. And now, after I’ve seen it, siguro magsisisi ako kung hindi ko ginawa ito. Siguro, meant for me talaga ang project na ito.”

Hindi naman niya iniisip na magiging best actor siya rito kung saan ang isa sa makakalaban niya ay ang bestfriend niyang si former Senator Jinggoy Estrada. “Naku, hindi ko iniisip yan. Ang ipag-pray natin, maging successful sana itong filmfest na hindi sa mga sinehan ipapalabas kundi first time sa streaming,” banggit niya.

Family drama rin kasi ang entry ni Jinggoy na Homecoming with Sylvia Sanchez.

Pinupuri rin ni Phillip ang younger cast ng pelikula na sina Zanjoe Marrudo, Sanya Lopez and Joseph Marco na gumanap na mga anak nila. Actually kahit si Direk Joel, pinupuri sina Zanjoe, Sanya and Joseph.

Grabe ang pinag-shootingan nila bilang magda-daing ang role ni Ate Guy,  sa isang coastal town sa Cavite na talagang ang hanap-buhay ng mga tagaroon ay mag-daing.

Nang matanong si Direk Joel kung kailangan pa ba niyang idirek ang tulad ni Nora, “hinahayaan ko muna siya sa atake niya. Tapos may nakita akong kailangang baguhin, sinasabi ko sa kanya,” ani Direk Joel.

NORA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with