^

PSN Showbiz

Magikland sa abroad ginawan ng animation

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Magikland sa abroad ginawan ng animation
Magikland
STAR/ File

Excited ako para sa pelikulang Magikland ng Brightlight Productions dahil last work ito ng mahusay na direktor na si Peque Gallaga.

Imagine na inabot ng more than a year ang post production nito, at talagang first class ang animation na sa abroad pa ginawa. Kung isang maliit na kumpanya, hindi ito maa- afford. Buti na lang at mahaba ang pisi ni Papa Albee Benitez na talagang all out para sa ikagaganda ng Magikland.

Excited ako in the sense na sana magustuhan ng lahat na panoorin ito sa ibang platforms at hindi sa loob ng sinehan. Sana ma-appreciate nila ang grandiosong animation nito, ang malalaking eksena na mas nice sana kung sa wide screen mapapanood. Pero dahil iba ang panahon ngayon, i-enjoy pa rin natin ang Magikland.

Virtual filmfest, inaasahang magtatagumpay

Kung magiging tagumpay ang online at virtual showing ng mga pelikula ngayong Christmas season, malaking bagay ito para sa showbiz.

Hindi na mahihirapan sa booking ng pelikula, hindi na rin mag-aagawan sa playdate, laking tipid para sa production dahil lahat may way na para ilabas ang nagawa nilang pelikula.

Sana talaga magustuhan ng publiko ang mangyayaring festival this December.

Malaki at magaganda ang movies na kasali sa Metro Manila Film Festival, kaya tiyak na in the safety if their homes mas magugustuhan nila watching with all the members ng pamilya.

Suportahan natin ang MMFF entries, give this new platform a chance para hindi mamatay ang industriya.

MAGIKLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with