^

PSN Showbiz

Programa ni Jessica hinabol sa hindi pagbabayad ng mga trending video

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan lang ay napag-usapan ang ipinost ng photo journa­list na si Ezra Acayan tungkol sa isyu niya sa programang Kapuso Mo Jessica Soho na nanghingi ng mga kuha niya sa nakaraang baha sa Marikina.

Doon niya inilabas ang hinaing na madalas nalilibre lang ang mga video o photos na ginagamit sa documentary shows sa GMA 7.

Dapat naman daw na bayaran ang mga kuha nila at hindi acknowledgement lang, dahil pinaghirapan naman daw nila iyon.

Pinik-ap sa ilang online sites ang isyu at isang kababayan na­ting si Wilson Paguyo ang nagpadala ng sulat kay Ezra at doon inilabas niya ang nangyari sa kanya nang na-feature din ng GMA News and Public Affairs ang kuwento niyang pagdadala ng mga napamili niya sa palengke sa mga kababayan natin sa Paris, France na walang trabaho gawa ng pandemya.

Ibinigay daw niya ang video nang libre at ginamit ito sa programa ng GMA News. Pero nang humingi naman daw siya ng tulong para panggastos dahil wala pa rin silang trabaho roon sa Paris, wala raw maibigay dahil gipit din daw ang GMA 7.

Muling binatikos ni Ezra ang GMA NAPA sa kuwentong ito ni Paguyo.

Ang latest na narinig namin, nakara­ting na nga ito sa GMA 7 at napagdesisyunan na raw na lahat ng gagamitin ngayon na mga litrato, video materials na kuha ng hindi taga-GMA 7 ay babayaran na.

Kung ganun na nga ang gagawin nila, magiging magaan na ito sa mga researcher, pati sa segment producers dahil hindi na sila makikiusap nang husto sa mga may-ari ng mga materyales dahil may bayad na ito. Parang rights din yan ng mga kanta na tuwing ginagamit ang mga original composition ay may katumbas na bayad.

Pero kung may maayos namang pag-uusap sa pagitan ng may-ari ng litrato o video at sa programang gagamit nito na wala namang kapalit na pera, hindi na siguro gagawing isyu iyon.

Pero itong pinasabog ni Ezra, magsisilbing leksyon na rin sa kanila na lahat ng mga pinu-produce na kuwento ay may bayad na.

Maganda rin kung ito na ang gagawin ng ilang programa lalo na ang GMA News and Public Affairs.

Samantala, napansin naming bumababa na ang rating ng Kapuso Mo Jessica Soho. Hindi naman siguro dahil sa isyung ito. Maa­aring nagkasawaan na rin sa halos pare-parehong kuwentong pini-feature nila.

Maaari na rin sigurong mag-isip at research pa more para sa mga bagong kuwentong ilalahad sa televiewers.

Yeng, takot pa ring magkaanak

Kagaya ng ibang celebrity couples sa ngayon, takot na rin si Yeng Constantino na magka-baby muna.

Iba ang epekto ng pandemyang ito sa kanila dahil ang hirap daw na magkaroon ng batang aalagaan na haharap sa ganitong nakakatakot na panahon at iba pang mga sakuna.

Sabi ni Yeng nang makatsikahan namin sa virtual mediacon ng online show nilang Grateful Tuesdays kasama ang Chemist na si Pinky Tobiano, “Na-realize ko po kasi marami pa po akong kailangang ayusin sa sarili ko, the way I see the world.

“Parang…I don’t want to bring a child into the world tapos ako, sarili ko hindi pa ako…kasi kailangang na-deal mo na ang dapat mong i-deal with yourself, para pagdating nu’ng baby hindi siya maha-hassle sa ‘yo na ‘pinanganak mo ako sa mundo tapos pasasaluhin mo ako ng problema?’

“Gusto ko yung experience na hindi lang ako magi-enjoy pero even’ yung baby magiging super happy kasi ‘yung mom niya magiging super... at least okay. Gusto ko talagang maging okay na mom.”

Pero sa kabilang banda, may maganda ring naidulot ang pandemic dahil may panahon daw si Yeng na makapag-reflect sa sarili.

Doon daw siya nakakapag-isip kung ano pa ang kulang at kung ano pa raw ang mga dream niya sa buhay.

Ang laki raw ng nagawa ng programa nila ni Pinky na Grateful Tuesdays dahil sa napakarami na nilang natulungan.

Iba raw talaga ang feeling na meron kang naa­butan ng tulong na ibinigay ng kanilang programa. Hindi nga napigilang maiyak ni Yeng nang namigay sila ng tulong sa Montalban, Rizal dahil doon daw siya lumaki.

Mapapanood itong Grateful Tuesdays tuwing Martes ng 7 ng gabi sa Facebook ng Cornerstone TV.

GMA NEWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with