Jay-R Siaboc 'wala pa ring premyo' sa Pinoy Dream Academy kahit 2006 pa 1st runner-up
MANILA, Philippines — Inirereklamo ngayon ng first-runner up ng isang sikat na reality/singing contest ang kawalan pa rin ng gantimpala matapos ang 14 taong paghihintay sa dambuhalang media network na ABS-CBN.
Ibinuhos niya sa Facebook ang kanyang frustration ngayong Biyernes, matapos sabihing wala pa rin siyang natitikman mula sa mga ipinangako sa kanyang papremyo ng "Pinoy Dream Academy" (PDA) — isang programang may kahalintulad na format sa "Pinoy Big Brother."
"Noong nag-1st runner up ako sa PDA (Pinoy Dream Academy), kasama sana sa premyo ko ay condominium at franchise ng Belgian Waffle, pero sad to say both 'di ko natanggap," sabi ng singer.
"['D]i ko alam kung makukuha ko pa ba 'to, pero sana at ngayon naman sa mga kanta ko wala na naman ako natanggap."
Nung Nag 1st runner up aq sa PDA(Pinoy Dream Academy)kasama Sana sa premyo q ay Condominium at franchise ng Belgian...
Posted by Jay R Siaboc on Thursday, November 26, 2020
Kamakailan lang nang umabot sa 25 milyon ang views ng kanyang awiting "Hiling" sa Wish 107.5 bus, pero kahit dito ay napabiro na rin siya lalo na't wala siyang trabaho ngayong may coronavirus disease pandemic.
Sana raw ay makatikim naman siya kahit tseke sa success na inaabot ng kanyang videos para "ma-experience" niya na kumikita ang kanyang awitin.
Mas maganda Sana Kung may kasama cheque hehe,para nman ma experience q din kumita sa kanta q???????? Salamat sa patuloy na supporta!!!????
Posted by Jay R Siaboc on Thursday, November 26, 2020
"Sa panahon ngayon na WALA tayo trabaho, 'di maiwasang maalala ang mga bagay na sa tingin mo'y dapat sana ay sa iyo," patuloy ng mang-aawit.
"Well, Panginoon na lang siguro ang bahala at nakakaalam."
Kinukunan ngayon ng PSN ang panig ng ABS-CBN hinggil sa isyu ngunit hindi pa ito tumutugon sa panayam.
Matatandaang kasabayan noon ni Jay-R ang singer-actress na si Yeng Constantino sa PDA, na siyang naging grand winner ng patimpalak noong 2006.
- Latest