Kaseksihan sa two piece swimsuit ni Juliana, dinadagsa ng comments
Aliw basahin ang comments sa post ni Juliana Gomez sa Instagram na nasa beach ang dalaga nina Congw. Lucy Torres-Gomez at Ormoc City Mayor Richard Gomez at ang black two-piece swimsuit ang suot. Hindi lang maintindihan ang caption nitong “Hay un tiburon alli!!”
May mga nag-comment ng gorgeous si Juliana at may nagsabi namang dahil sa kaseksihan ni Juliana, na-inspire na silang mag-workout na rin. May nag-comment naman ng “beautiful genes.” May nagsabi rin na ‘pang Miss U ang figure ni Juliana. Pero ang nakakatawa at nakakaaliw, magagamit na raw ni Richard ang shotgun niya dahil dalaga na ang anak. May nangumusta rin sa mga alagang aso ni Richard.
Naalala ng netizens ang nabanggit ni Richard dati, noong nagdadalaga pa lang si Juliana na aalagaan niya ang mga aso bilang paghahanda sa mga manliligaw kay Juliana. Isa pang comment, tiyak daw na sasakit ang ulo ni Richard sa mga manliligaw ni Juliana.
Si Marco Gallo pa lang ang alam nating nanligaw kay Juliana, but for sure, marami ang umaaligid sa dalaga.
10 0fficial entries ng MMFF, napili na
Ang announcement ni MMDA Chair at Over-All Chairman ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Zoom Media Launch kahapon na “Tuloy ang MMFF, hindi puwedeng mawala ito.” Iba lang sa taong ito ang MMFF dahil online mapapanood ang entries sa MMFF.
Mapapanood ang mga pelikula by streaming via Upstream in partnership with G Movies and supported ng Globe. Ang kaigihan nito, pati ang mga Pinoy abroad, sabay na makakapanood ng 10 entries ng mga nasa Pilipinas.
For this year, may 10 entries sa MMFF instead of eight entries at ang paliwanag dito ni Noel Ferrer, spokesperson ng MMFF dahil digital naman ang showing ng movies, walang magiging problema sa assignment ng mga sinehan. Pati nga ang exhibition ng movies na dapat December 25 to January 7, 2021, puwede raw ma-extend.
Narito ang 10 official entries:
1. Magicland directed by Christian Acuña, produced by Brightlight Productions of Albee Benitez and Gallaga & Reyes Films nina director Peque Gallaga and Lore Reyes. Stars - Miggs Cuaderno, Elijah Alejo and many more.
2. Coming Home of Maverick Films directed by Adolf Alix Jr., and stars Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman at iba pang cast.
3. Tagpuan directed by Mac Alejandre at tampok sina Iza Calzado, Shaina Magdayao, and Cong. Alfred Vargas who also produced the movie under his Alternative Visions.
4. The Missing of Regal Films directed by Easy Ferrer and stars Miles Ocampo, Ritz Azul, Joseph Marco and Melissa Mendez.
5. Isa Pang Bahaghari of Heaven’s Best Entertainment and directed by Joel Lamangan at tampok sina Nora Aunor, Michael de Mesa, and Phillip Salvador. Also starring Sanya Lopez, Zanjoe Marudo at Albie Casiño.
6. The Boys Foretold by the Stars directed by Dolly Dulu, produced ng Clever Minds Inc., nina Derick Cabrido and co-producer si Jodi Sta. Maria and stars Andrian Lindayag and Keann Johnson.
7. Fan Girl of Epic Media and directed by Tonette Jadaone and starring Paulo Avelino and Charlie Dizon.
8. Suarez: The Healing Priest directed by Joven Tan produced by Saranggola Media Productions at bida si John Arcilla bilang si Fr. Fernando Suarez.
9. Pakboys Takusa of Viva Communications and directed by Al Tantay and stars Janno Gibbs, Dennis Padilla, and Andrew E. with Angelu de Leon and Maui Taylor.
10. Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim of Cineko Productions directed by Topel Lee. Pinagbibidahan ni Vhong Navarro kasama rin sina Barbie Imperial, Ritz Azul, Joross Gamboa, Bayani Agbayani, at Ion Perez.
Carmina, kumpleto ang gamit sa lock-in
Ang daming bitbit ni Carmina Villarroel sa lock-in taping ng drama series ng GMA 7 na Babawiin Ko Ang Lahat dahil bukod sa maraming baon na pagkain, may mga bitbit din siya na panlaba.
Para hindi na siya mahirapang patuyuin ang labada, may dala rin siyang parang plastic aparador at dito niya pinapatuyo ang labada. Sa interview sa kanya sa 24 Oras, ipinakita ni Carmina kung paano siya maglaba at kung paano patuyuin ang mga nilabhan.
May bitbit din siyang air purifier para walang dust sa kanyang hotel room na dahil sa maraming bitbit na gamit ni Carmina, nagmukhang mini mart. Twenty eight days kasi ang lock-in taping nila, kaya natural lang na kanyang paghandaan.
Bago mag-report sa lock-in taping, nag-post pa si Carmina ng picture nila nina Zoren Legaspi at mga anak na sina Mavy at Cassy. Sabi ni Carmina, “Its always difficult to say goodbye to my family. Time for my lock in. Always grateful and thankful for my work. I will see you guys again after 28 days. I will truly miss you. Im crying while posting this. I love you my family so much.”
Reunion project ito nina Carmina at John Estrada sa Kapuso Network at kasama nila sina Pauline Mendoza, Kristoffer Martin at Tanya Garcia.
- Latest